Chapter 21

17.6K 182 6
                                    


Napapadalas ang mga labas namin ni Josh. Nagiging thrice a week na. Madalas para takasan ang mga responsibilidad niya, ginagamit niya ako. Hindi niya naman na ako iniwanan katulad ng ginawa niya noon. 

Naglakad kami sa park ng mga alas-syete ng gabi para pagmasdan ang mga ilaw ng mga buildings. "Ano nanamang rason mo ngayon?", tanong ko. "Bakit ka nanaman tumakas?"

"Wala. Ngayon, gusto ko lang lumabas.", sabi niya. Hindi na ako sumagot at tahimik na pinagmasadan ang mga buildings. "Malapit nang matapos 'tong pagpapanggap mo, alam kong excited ka na."

"Oo naman.", sabi ko. "Pero maniwala ka man o sa hinde, kahit hindi mo ako tinuturing na utusan at hired worker mo lang ako, I found a peculiar peace in you. Naeenjoy ko 'yong parang ako lang mag-isa kapag kasama kita. Kumbaga, may kasama akong mag-isa. Gets mo?"

"Oo." 

"Walang drama, maliban kapag napaguusapan ang sensitive topic. Just pure, peace.", sabi ko. " So believe it or not, I already see you as a friend."

"Me too.", sabi niya. Nagulat ako.

"Totoo nga?!", tanong ko. Tumango siya.

"You better be honored because not all people I meet could be counted as my friend. I admire your determination and wit."

"Wow, parang nag-aaward ang ah.", sabi ko. "Gutom na ako. May alam akong malapit na bilihan ng streetfoods diyan. Kumakain ka ba nun?"

"Oo naman ano bang tingin mo sa akin?", sabi niya na may annoyed expression. Ang bilis talaga magbago ng aura nito. Tumayo kami at naglakad papuntang stall nang may limang lalakeng naka itim ang lumapit sa amin. 

"Devil Slayer.", sabi nung isang mamang may mahaba ang buhok. May dalawa siyang kasamang malusog na lalaki at dalawang payat na lalaki. 

"Silas.", sabi ni Josh at tinago ako sa likod niya. "Anong kailangan mo?"

"Wala, nangangamusta lang? Sino 'to? Bago mong girlfriend?"

"Wala kang pakialam."

"Ano ka ba, parang hindi naman tayo naging magkatrabaho noon. Naalala ko noon, halos magpakamatay ka na sa bugbog dahil kay Kaye ah, iyak ka pa ng iyak."

"Umalis na kayo."

"Oh bakit? Ayaw mo bang maglaro?", sabi niya. Hinawakan ako ni Josh sa braso at itinago pa ako sa likod niya. 

"Josh, tara na.", bulong ko. Tinignan niya ako na para siyang nag-aalala. Anong gagawin nila sa amin? 

"Oh bakit miss natatakot ka ba? Hindi mo ba kilala 'yang boyfriend mo?", tanong niya.

"Sino ka ba?", tanong ko. 

"Ako?", tumawa siya. "Kaibigan."

"Hayop ka mamamatay tao.", sabi ni Josh. Tumawa uli ang lalaki. 

"Accuse me all you want, it was her fate to die at that moment. Kung hindi siya nangingialam, eh di hindi sana magagalit sakanya ang diyos. Ayaw ng diyos sa mga pakialamero." Naririnig ko ang mabilis na paghinga ni Josh. Namumuo uli ang kamao niya at nanlilisik ang mga matang kinakausap 'yung lalaking parang hindi nagsh-shampoo. Kinakabahan na ako, baka magbugbugan sila! 

Lumapit sa amin ang lalake, at hinawi ang buhok ko. Tinabig ko ang kamay niya at sinampal siya. Tumawa siya. 

"Ah, feisty." Nagulat ako ng sinampal ako nung lalake. Nag-init ang mukha ko at napaupo sa sahig. Ilang segundo akong nawala sa isip dahil sa sakit. Pagbukas ko ng mata ko, nakikipag suntukan na si Josh. 

When she met Mr. Gangster(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon