Chapter 30: Hopeless?

241K 1.9K 339
                                    

HALEY'S POV

"Hi mom!" bati ko sa kanya.

"H..Hi!" nagulat siya.

Napatayo ito. Humalik ako sa kanya.

Bihira kasi akong umuwi. Si Ralph kasi ang sumundo sa akin from school. Dito ako nagpahatid sa bahay, hindi sa condo. Nasa sa sala pa kasi yung ibang mga gamit ni Russell. Ayokong malaman niya na doon ito nakatira ngayon.

Pagkahatid niya sa akin sa gate ng bahay, aantayin ko lang siyang makaalis, at babalik na agad ako sa condo.

Umupo ako sa couch na malapit sa table ni mommy. Nakatingin siya sa akin. Habang ako naman malayo ang tingin.

"Hey."

Lumapit ito.

"What's wrong, hmnn?" tanong nito.

Umiling ako.

"Nothing mom, it's just..." hindi ko alam kung pa'no ko sisimulan.

Nagtatanong ang mga mata nito.

"Ralph is back." sabi ko.

Natigilan siya saglit.

"I know." sabi nito

She knows. Tita Cecille must have informed her.

"Mom...." nag aalangan ako.

Tumingin siya sa akin.

"Can you do something about it?"

Lumapit ito sa akin. Alam niya kung ano ang tinutukoy ko.

"I wish I can honey." malungkot na sabi nito.

"Kung tutuusin kahit sino sa kanila it wont matter at all. I think they have family issues at ayokong makialam. Ayoko silang pangunahan. If i were to ask, I prefer Russell. I think he's nice. And he likes you." nakangiting sabi nito.

Yeah, he likes me. But I love him mom. Pero siyempre hindi ko sinabi.

"It's just that, nasanay na kasi ako na si Russell ang kasama ko and...." ibinitin ko ang kasunod.

Ngumiti ito.

"You're starting to like him." itinuloy niya ang sasabihin ko.
.

Ngumiti rin ako.

"uhm..something like that." actually it's more that, yun ang gusto kong sabihin.

Biglang sumeryoso ang mukha nito.

"But we've talked about this right? We had an agreement remember?" paalala nito.

She's right. Pumayag na ako sa kasunduan naming na magpapakasal ako sa isa sa mga ank ng partners nila. Akala ko kasi si Russell na yun. And thanks to sandok ha at sa kanya ko pa talaga nalaman na si Ralph pala talaga ang fiancée ko. Sa reaksyon ni mommy, nawawalan na ako ng pag asa. Wala na akong maisip na paraan.

"Is there something going on between you and Russell?

Malakas talaga ang radar ni mommy. Pero hindi ito ang tamang panahon para sabihin sa kanya ang tungkol sa amin ni Russell.

"Not exactly. We're just hanging out lately." pagsisinungaling ko.

Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya. Hindi muna ngayon.

"Why don't you give Ralph a chance?"

Ngumiti lang ako kay mommy. Wala pala itong alam tungkol kay Ralph. Na may mahal itong ibang babae at buntis ito ngayon. So there is no more chance between me and Ralph.

We are getting nowhere. Iibahin ko na lang ang usapan. Isang pilit na ngiti ang binigay ko sa kanya.

"Mom, I just wanna ask, on your wedding day, how was it like? How did you feel about it?" nag aalangan kong tanong.

Your Place Or Mine? BOOK VERSION  (PUBLISHED BY VIVA PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon