7ed1f7fss="coniv,Z7cleai+i+ i+Hi+i+

Tagong Sitio

spinner.gif

MILE'S POV

 

"Mile, ano yun?" lahat sila kumapit sa kin.

 

As if na hindi ako takot. Tss. Napalunok ako. "Hindi ko maintindihan... parang ano... parang ritwal na di ko maintindihan."

 

Dinadala lang kasi ng hangin ang boses na iyon. Boses matanda na parang may galit.

 

"Mile, natatakot ako! Mile, paano na kung ako na ang sumunod?!" halos mapunit ang blouse ko sa pagkakahila ni Nia.

 

Tinignan ko si Lexor at Mayumi, ganun din ang ekspresyon ng mga mukha nila. "Walang susunod... wala..." wala na nga ba? Paano nga kung ako naman ang susunod kay Zip?

 

Tahimik kaming naglalakad... or mas tamang sabihin na halos pagapang na kami at nagtatago na lang kami sa halamanan. Humina na rin ang ulan at maputik ang daan dahil nga sa hindi sementado ang daan. Tanging tunog lang ng mga insekto ang maririnig at nakakatakot na ihip ng hangin.

 

Ako ang nauunang maglakad, kasunod sina Nia at Mayumi, at pinakahuli si Lexor. Ito ang pinakamatakot na parte sa ganitong sitwasyon, mahirap ang nasa unahan, mahirap din ang nasa hulihan. Lahat ng bahay dun ay nakasara ngunit kung kanina ay gawa sa kahoy ang mga yun,ngayon ay parang sunog na ang mga yun. Kulay itim na lahat.

 

"Hayun ang bahay ni Kap, maaaring nasa likuran ng bahay nya ang sasakyan natin... o kaya'y may pinagtuguan siyang iba." Nakayuko kaming lahat habang pinagmamasadang mabuti ang bahay ni Kap na walang senyales ng pagkakaroon ng tao sa loob. "Just follow me." Lahat na yata ng santo at santa ay natawag ko. Walang katapusan ang pagdarasal ko habang patuloy kami sa pgalalakad. Palinga linga pa kami.

 

Nakakasulasok ang amoy dun sa bahay ni Kap. Parang maraming nabubulok na bagay. Makalat din, sa ilang bahagi ay may mga patak ng natuyong dugo.

 

"It's not here. Panu na yan?" yinugyog pa ni Nia ang blouse ko. Wala kasi ang sasakyan sa maliit na espasyo sa likod ng bahay ni Kap.

 

"Aww!"

 

Paglingon namin ay nakita namin si Mayumi na nakupo habang hawak ang binti.

 

Napamura si Lexor.

 

Napapikit naman ng mariin si Nia.

 

Ako naman ay agad kong dinaluhan si Mayumi.

 

Ang daming dugo!

 

"Aww! What happened! It hurts so much!"

 

Blood is flowing down Mayumi's right leg. Nakakagat sa paa nya ang isang bear trap at kung di ako nagkakamali, mapuputol ang paa ni Mayumi.

 

"Don't move. Oh my God. Anong gagawin ko!" napapaiyak na rin ako.

 

"Tumitingin lang ako and I didn't see this thing! Mile... tell me I'm okay please tell me im okay! Sabihin mo!" umubo siya at lumabas din ang dugo sa bibig nya. "Am I next?" at umubo na naman siya.

 

"Naglalabas sya ng dugo, Mile!"

 

"Nakikita ko, Nia!" tarantang taranta ako kasi di naman ako paramedic upang malaman kung panu gagamutin si Mayumi. "Mayumi," tinampal tampal ko ang pisngi nya, "wag kang mawawalang ng malay, Mayumi.... Mayumi!"

 

"She's still breathing... pero mahina na ang pulso niya..." sabi ni Lexor habang pinupulsuhan si Mayumi.

 

"Mile," hinila ako patayo ni Nia, "lets go. Umalis na tayo sa lugar na ito!"

 

"Shh..." nakinig ako ng mataman. May mga papalapit na yabag... "we gotta go." Tinapunan ko muna ang nakapikit ng si Mayumi, "I'm sorry. I'm so sorry..."

 

Agad kaming tumalilis.

 

"Kagagaling lang dito ng mga dayo!"


"Dali! Hanapin nyo!"


"Wag nyung hayaan abutan sila ng pagsikat ng araw!"

 

Iyon ang narinig namin. Nakapagtago pa kami sa likod bahay. Hilam na rin sa luha ang mga mata ko, ganun din ang mga kasama ko lalo na si Nia.

 

"Lalo tayong mag-ingat, we don't know who'll be next... kapag may nakaligtas isa sa atin, please do tell the police."

Previous Page of 3Next Page

Comments & Reviews (11)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended