---3---

2.1K 66 23
                                    

MILE’S POV

9pm...

Nakakain na kami... ako na naman ang nagluto. Nakahiga na rin lahat sila sa kwarto.

Ako naman, nakaupo lang sa sala... masama ang kutob ko.

Bakit sabi ni Kap na bawal na kaming lumabas ng 11pm habang si Luisa naman, pinapaalis kami ng 11pm? Ahh.ang gulo nilang kausap.

Malapit ng mag11pm...

Dumungaw ako sa bintana ng makarinig ako ng mga bulungan.

Nanlaki ang mga mata ko nung makita ko si Kap kasama ang iba pang mga nilalang na walang mukha... patungo sila sa bahay nina Kap. Malakas ang buhos ng ulan PERO DI SILA NABABASA! O_O

Nang bigla silang mawala lahat sa paningin ko...

“Ah?” napahawak ako sa gilid ng bintana..

Umuuga ang bahay...

“Oh my god...” hindi na tama to!

Normal  ba sa isang bahay na parang sumisikip?!

Tumakbo agad ako sa kwarto...

Yinugyog ko ang mga balikat nila..

“Ano ba?!” pinalo pa ni Mayumi yung kamay ko. Tinulak naman ako ni Zip na dahilan kaya napabagsak ako sa sahig.

Binalikan ko uli sila kahit masakit ang balakang ko sa pagkakatulak sa akin ni Zip. Talagang sumisikip ang bahay! If di kami makalabas, siguradong mapipisa kami doon!

“Lexor! Wake up! Nia! Mayumi! Zip!”

“What the!” bumangon si Nia at binigyan nya ako ng pagkasama-samang tingin. Tumayo siya pero agad ding napahiga kasi nga parang nililindol ang bahay, “Earthquake?!”

Nagising na rin ang iba. Hindi pa rin nagsi-sink in sa utak nila na nililindol ang bahay.

“Sana nga! Sumisikip ang bahay! Lets go out!” si Mayumi ang hinila ko kasi siya yung mukhang natutulog pa ang isipan. “Bilisan natin!”

“Wait! Di ba sabi ni Kap na huwag tayong lumabas ng 11pm?” pasigaw na tanong sa akin ni Mayumi ng mahimasmasan. Umuulan kasi kaya kailangan talagang sumigaw.

Hindi naman lumilindol sa labas ng bahay pero bakit ang bahay mismo ay umuuga!

Patuloy pa rin ako sa pagkaladkad sa kanila hanggang makarating kami sa labas ng bahay, “Because he wants us to die!” tinignan ko sila, “Nasaan si Zip?!” nanlalaki na talaga mga mata ko.

Si Mayumi ang binalingan ko ng walang sumagot, “Mayumi, where’s Zip?!”

“He goes back para kunin yung phone namin tapos yung laptop ko!” sagot ni Mayumi na umilap ang mga mata.

“Shit... he’s gonna die!” agad kong binalingan ang bahay na nagiging kulay itim na at numinipis ng numinipis sa paningin namin, “Zip! Lumabas ka na dyan!”

“Ahh! TulonG!”

And we heard a quirky sound kasabay ng malakas na pag-igik ni Zip...

Parang may nadudurog sa loob..

“Damn! What’s that!?” napamura uli si Lexor...

Kasi...

Mula sa dingding ng bahay ay may umaagos na dugo na humalo sa tubig ulan...

“Ahh! Tell me its not his blood! Ahh!” hysterical na si Mayumi, “tell me its not his! Dammit!”

Napadausdos na sya pababa sa putikan. Pare-pareho na kaming basa at pare-parehong hindi makapaniwala sa nasaksihan...

Another hell sound at unti unti ng bumalik sa dati ang bahay na parang walang nangyari... sinipsip na rin ng lupa ang dugong humalo sa tubig...

“Tumayo na kayo jan, kailangan nating lumayo dito,” si Lexor habang pinipilit na itayo sina Mayumi at pati na rin si Nia na parang mawawalan na ng malay-tao. “Stand up!”

“No No No... Zip is not dead... no no no...”

“Mayumi, listen to me,” tinampal ko pa ang pisngi ni Mayumi para matauhan siya, “we gotta go... this is what i'm talking about... kailangan nating umalis pero di kayo naniwala sakin. Now, the only way out is to run...”

“NO! I need to go inside that fvcking house!dammit! Zip’s not dead! What na lang ang sasabihin ng mga magulang nya sa akin! Shit!” at humagulhol siya.

Sinampal ko siya ng pagkalakas lakas, “you want to go there? Go! Basta kami aalis na kami kasi gusto pa naming mabuhay! Kahit ngayon lang naman, making kayo sa akin!”

Naiiyak na rin ako pero kailangan kong ipakitang matatag ako... ito na nga yung sinasabi ni Luisa.

“May tao...” bulong ni Lexor.

Agad kaming nagtago sa halamanan.

“Nawawala ang mga dayo!”

Tunog kamatayan ang mga boses nila... parang mula sa hukay.

“Hanapin ninyo!”

Nakita naming nagtakbuhan sa kung saan saan ang tatlong taong-bungo. Isa sa kanila ay si Kap. “Sinasabi ko na nga ba!” mahina ngunit mariin kong sabi.

“Anong gagawin natin, Mile? Are we gonna die? Are we?” at umiyak si Nia, “I promise makikinig na ako sa yo... I don’t wanna die! I wanna see my parents!”

“Shh... walang madadala yang kahinaan nyo ng loob... listen.. listen carefully...” medyo garalgal ang boses ko kasi pinipigilan kong umiyak, umuulan pa rin kasi kaya nilalamig din ako, “we need to find our van. I know how to drive. Wag tayong maghiwahiwalay... walang hihiwalay.. maliwanag ba? We need to be careful. Okay?”

“I'm sorry for not listening... I'm so sorry... I just think that this project will give us a hundred percent grade... I'm sorry... now Zip died because of me...” at nag-breakdown na naman siya.

“Mayumi, that’s no good,” alo ni Lexor kay Mayumi... pagkatapos ay binalingan nya ako, “lets keep moving.”

Luminga linga muna ako sa paligid. Vicinity is clear. “Don’t rush... shh...” may narinig kasi ako..

“Quem des mir tisula... quem des... hasum kihyas mista...”

***

Author: taas kamay ng mga nagbabasa! Yung mga hindi nagtaas, alam na! LOL.

Tagong SitioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon