Chapter 7: Love that is Patient

235K 4.2K 230
  • Dedicated kay Joshua Lazaga and Karl Carreon
                                    

Chapter 7: Love that is Patient

"If you're patient, you're slow to anger, you endure personal wrongs without retaliating (having revenge). You bear with others' imperfections, faults, and differences. You give them time to change, room to make mistakes without coming down hard on them." 

-Steven J. Cole (Bible.org)

***

HINDI akalain ni Eunice na mananatili si Terrence sa dati nilang bahay magmula nang umalis siya. Ang inaasahan niya ay mabilis itong bumalik sa bachelor's pad nito pagka-alis niya. Ano pa kasing rason kung bakit ito mananatili sa malaking bahay kung ito lang naman mag-isa ang nakatira kasama ang mga kasambahay nila noon?

            But here she is, standing in front of their marriage house again after a year. Nandito siya dahil sinabi ni Terrence na hihintayin siya nito roon.

            Hindi niya na sinabi sa kanyang uncle ang kondisyong ito na hiningi niya kay Terrence. Basta pagkaalis nito kanina papuntang States ay saka niya lang inayos ang mga gamit palipat sa bahay nila ni Terrence.

            She rang the doorbell three times hanggang sa may isang matandang lalaki ang nagbukas sa kanya ng gate.

            "Magandang umaga po," bati sa kanya ng matanda. "Kayo po ba si Ma'am Eunice? Ang asawa ni Engr. Terrence?"

            "Ahm, yes. Tama ba 'ko ng napuntahang bahay. Is this still his house?" tanong niya rito. Ito lang siguro ang kasama ni Terrence sa bahay.

            Tumango ang matanda. "Ah, opo, Ma'am. Pasok po kayo. Kanina ko pa po kayo hinihintay."

            Nagprisinta itong kunin ang isang maletang dala niya at ito na ang nagpasok niyon sa loob ng bahay. Pagpasok ni Eunice sa loob ay nakaramdam agad siya ng nostalgia. Lalo na nang makita niyang wala man lang nabago kahit isa sa loob ng bahay. Kung anong itsura niyon nang iwan niya ay ganoon pa rin ang itsura hanggang ngayon. Everything was properly kept and maintained. Parang walang isang taon ang nagdaan.

           "Ahm, Manong, nandito ba si Terrence?" tanong niya agad dito. She's just excited to see him, again.

            "Ah, Ma'am Eunice, maaga po kasing umalis si Sir dahil bigla pong tumawag ang sekretarya niya kaninang madaling araw. May urgent daw po silang kailangang asikasuhin. Kaya nga po niya kayo binilin sa'kin. Pinapasabi po ni Sir na babalik daw po siya mamayang tanghalian o gabi. Tatapusin niya lang daw po ang mga kailangan niyang tapusin."

            "Ganoon ba?" parang nanlumo nang kaunti si Eunice. First day pa lang ng pagta-try nila ay agad na trabaho naman ang kaagaw niya kay Terrence. Nagmadali pa naman siyang umalis kanina para muli itong makita pagkatapos ay... napailing-iling na lang siya at saka umupo sa malambot na sofa.

            "Ma'am, may gusto po ba kayong inumin? O kainin? Ipaghahanda ko po kayo agad."

            "Okay lang ako, Mang...err-"

            Ngumiti ang matandang lalaki. Nasa mga forties lang siguro ang edad nito. "Emmanuel po, Ma'am. Pero, Emman na lang po."

            Tipid siyang ngumiti. "Thank you, Mang Emman. Pero okay lang ako. I don't need anything pa naman," aniya rito.

            Tumangu-tango ito. "O, sige. Basta kapag may kailangan ka, tawagin mo lang ako."

            She nodded. "May itatanong lang po ako. Matagal na po ba kayo rito?" bigla niyang naisipang itanong dito. Mukha naman kasing uubusin niya lang ang oras sa paghihintay kay Terrence. Makikipag-usap na lang siya sa matandang katiwala nito.

Love at its Best (Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon