{ EIGHT }

2.7K 80 10
                                    

A/N: Sorry for the suuuuuuuuuupeeeer  LATE update dearies! Almost two months na yata akong hindi nag update dito, salamat sa mga patuloy na nagbabasa at nagko-comment at vote dito! I love you all! Sana magustuhan niyo. I have open house for dedics! Just message me here :)

Let's keep in touch dearies xx

***

{ Eight }

Kayleigh.

Hindi ko alam kung ilang segundo o minuto ang tinagal ng paglapa ni Akachan sa lips ko. I mean, hindi ako nakagalaw o makapag-react sa ginawa niya. Gusto kong lumayo at sampalin siya pero hindi ko magawa. Not the fact na gusto ko ang halik niya ha! Hindi ganoon!

Err, okay. I may look so defensive pero ito yung unang beses na may nag-french kiss sa akin without my understanding or permission! Consent to be exact. At kay Akachan pa galing! Talagang hobby na niyang halik-halikan ako! Gusto ko naman ‘yung hahalik sa akin ay ‘yung totoong mahal ko at totoong karelasyon ko. Hindi itong ganito.

At last, nagkaroon na rin ako ng lakas ng loob para dahan-dahang itulak si Akachan. Medyo nagulat pa siya sa ginawa ko pero bigla siyang ngumiti. Abnormal. Parang may sapak lang e.

“Bakit mo ako hinalikan—hindi, bakit mo nilaplap ang labi ko?! Ano bang problema mo?” Pigil yung pagkakasabi ko kay Akachan. Nakakainis naman kasi siya

“Di’ba girlfriend kita, boyfriend mo ako. Natural lang naman na gawin natin ang maghalikan hindi ba?” at iba na ‘yung ngiti niya. Mas nakakaloko. Asar lang.

Sinimangutan ko siya at napadako ‘yung tingin ko sa ibaba kina Mikko at Scarlett, pero wala na sila doon. Siguro ayaw nilang makita kung anuman ang pinaggagawa namin ni Akachan. I felt guilty. Arrgh, nakakahiyaaa!

“Kahit na ba! Bakit, totoo bang mag-bf-gf tayo? Huh! In your dreams!” sabi ko sabay talikod sa kanya.

“In YOUR dreams!” mas ma-emphasize naman siya sa ‘your’. Ang kapal talaga.

But in one thought, I liked it.

Erase! Erase! Ano ba ‘tong pinagsasabi kong nagustuhan ko iyon? Nakakaloka lang!

“Tss, bahala ka na nga dyan!” tinulak ko siya sa dibdib tapos naglakad na palayo sa kanya.

“Hoy, Kelly! Sabay pa tayong uuwing dalawa mamaya!” narinig kong pahabol na tawag niya sa akin.

Lumingon ako sa kanya. “In your dreams.” Sabay simangot at talikod ulit.

Naglakad ako ng mabilis pababa ng floor hanggang sa dahan-dahan akong nakatakbo, pabilis. Hindi ko alam kung bakit bigla akong napangiti halos abot tainga at nakaramdam ng kaunting kilig—wait, sobrang kilig!

Bakit ba ‘to nangyayari sa akin? Contradicting! Yeah, I might hate the thought that he kissed me, but yeah, HE KISSED ME!

My Super Boyfriend 2 -- Keeping Up with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon