Prologue

120K 1.6K 121
                                    

Initsa ni Mico ang susi ng kanyang kotse sa isa sa mga tauhan nila rito sa Rancho. Kanina lang kasi ay tinawagan siya ng kanyang papa dahil may pag-uusapan raw sila nito kaya naman napilitan siyang bumyahe ng pagkahaba-haba pabalik sa Rancho nila.

"Nasaan si papa?" Tanong niya sa dumaang kawaksi nila sa hacienda.

"Nasa may library po sila, señorito." Magalang na sagot nito sakanya.

Sila? - pagtataka niya. Mukhang may bisita ang kanyang papa. Ikinibit balikat nalang niya iyon at umakyat na papuntang library. Kumatok muna siya bago pumasok sa loob.

Nakita niya roon ang kanyang papa at ang kanyang ninong Edgar na ikinagulat niya.

"Ninong!" Tawag niya rito. Lumapit siya para yumakap sa papa niya at sa ninong niya. "Hindi niyo po kasama si Ninang Marilyn?" Pagtatanong niya nang maupo siya sa harap ng mga ito.

"Alam mo naman iyong ninang mo.. ayaw sa mahahabang byahe. Nandoon at subsob sa trabaho sa Maynila." sagot ng kanyang ninong.

Tumango-tango siya rito. "Napadalaw po ata kayo?" kaswal na tanong niya rito.

Nagpalitan ng mga titig ang kanyang papa at ninong. "Hijo, kaya kita pinauwi rito dahil may pakikiusap sana ang ninong mo sa'yo." Sagot ng kanyang papa.

Nagtataka man sa sagot nito, pero tumango nalang siya at tinignan ang ninong Edgar niya na mukhang problemadong-problemado. Maybe it's work. He thought.

"Sure, ninong. Ano po ba iyon? Sa negosyo niyo po ba?" Tanong niya rito. His ninong - Edgar Manansala, owns the biggest shipping lines in the country.

"No, Mico. It's kind of personal." Seryosong sabi nito.

Kumunot ang noo niya. Ano naman ang maitutulong niya rito?

Huminga ito ng malalim bago muling nagsalita. "Ellaine's getting worst. Two nights ago, she brought a man to our house, hindi namin siya macontact at kinailangan pa namin i-alerto ang mga pulis para mahanap ito at iyon pala nasadlak sa isang gulo at muntik na siyang makulong!" Napasapo nalang ito sa noo.

"At ano naman po ang papel ko sa sitwasyon,ninong?" Naguguluhang tanong niya rito.

Muli ay nagpalitan ulit ng titig ang papa niya at ninong niya. Which give him the creeps. Dahil tila nagkakaintindihan ang mga ito sa simpleng titig lang.

Humarap muli sakanya ang kanyang ninong and threw the biggest bomb at him.

"Keep her here. Please watch over her until she learns her lesson. The day after tomorrow, she will be here. Please Mico, ito nalang ang paraang alam ko para maisalba ko si Ellaine sa madilim na daang tinatahak niya. Please."

Napapikit siya ng mariin. Great. Just great. Nagsisimula palang siyang makahinga ng maluwag sa pangangasiwa sa Rancho and now this will come. Another BIG responsibility.

Pikit-matang tumango nalang siya sa hiling ng ninong niya. Ito man lang ay magawa niya para sa mga Manansala.

--------

Whatcha think?! Haha.

Fact: Ellaine Manansala is a real person. Matagal na ako nito kinukulit na sakanya raw si Mico. I think My Seductive Boss palang ay inangkin na niya si Mico. Kaya sis! Eto na! Magpagulong ka na sa sahig niyo! Haha. Well anyways, number one hater siya ng Erin-Mico loveteam. Haha.

VOTE AND COMMENT :)

Follow! @kendeyss

Falling into Trouble [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon