Previous Page of 4Next Page

Kwarto o Kwatro? (One Shot Story)

spinner.gif

[Going to read this? Then, be OPEN-MINDED. If you aren't willing to be... please close the tab cause it's better for you not to read this.]

**

Kwarto O Kwatro? by forbiDDen30

**

 

I failed. But I'm not supposed to.

I musn't fail, but I did. 

 

**

 

Huminga pa ako ng malalim bago tuluyang inikot ang hawakan ng pinto at tuluyang pumasok sa loob ng tahimik nyang opisina. Tanging ingay lang na nagmumula lang sa pagta-type nya sa laptop nya ang maririnig.

 

"Sir..." tawag ko upang mapansin nya naman na andito ako. Abalang abala yata sya sa ginagawa nya na hindi man lang nya napansin ang pagpasok ko.

 

"Miss Lim?" May halong pagtataka ang mukha nya nang makita ako. "Is there anything I could help you?" tanong nya nang ibigay na nya ang buong pansin sa akin.

 

Tinanguhan ko sya at lumapit na sa mesang kinaroroonan nya. Pinagmasdan lang nya ako hanggang sa naparoon na ako sa mismong harap nya. 

 

"Anong maitutulong ko sayo?" tanong nya sabay ng isang matamis na ngiti na dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko kasi maitatanggi na may gusto ako sa kanya. Sa Prof ko. Gwapo naman sya. Matipuno. Mabait. Tsaka bata pa sya. Nasa 20's palang.

 

"Kasi S--ir..." Nauutal kong simula kaya napayuko ako ng bahagya. Nakakahiya. Hindi ko akalaing sa huling pagkakataong makakausap ko sya, ito ang tanging sasabihin ko. "Pwede nyo po ba akong ipasa?" Mas lalo akong binalot ng hiya nang masabi ko iyon at tuluyan na ngang yumuko.

 

Hindi ko sya kayang tignan sa mata. Naging estudyante na nya kasi ako ng tatlong taon pero ngayon lang ako bumagsak sa asignaturang itunuturo nya. May balido man akong katwiran, subalit hindi maiaalis niyon ang katotohanang bumagsak ako.

 

"Ipasa?" Narinig kong tanong nya na mas lalong nagpakaba sakin. Ipapaulit pa nya ata ang sinabi ko.

 

Mahirap ang hinihiling ko, alam ko yun. Ngunit, kailangan ko talagang mapasa sa asignaturang to. Isang taon nalang, magtatapos na ako ng kolehiyo. Pero pano ko magagawa iyon kung bagsak ako sa asignatura nya, na syang MAJOR ko?

 

"Opo Sir." mahinang sagot ko na halos pabulong na nga.

 

Hinintay ko ang itutugon nya sa aking pakiusap. Ang dalawang kamay ko nga ay pinagpapawisan na sa sobrang kaba at pagdidikit ko nito habang lihim na nagdadasal na sana pagbigyan nya ako.

 

"Miss Lim" Napapikit ako nang tinawag nya ang pangalan ko. Sana nga lang talaga, ibigay nya ang kahilingan ko. 

 

 

 

"I can't."

 

Para akong binagsakan ng langit nang marinig ang sagot nya. Nangingilid na ang mga luha sa mga mata ko na kahit anong oras pwede silang bumagsak.

 

I can't.

I can't.

I can't.

I can't.

I can't.

 

Parang naging sirang plaka ang utak ko sa paulit ulit na paglalaro ng mga katagang binitawan nya bilang tugon sa kahilingan ko.

 

"Sir..." Pilit kong pinipigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Hindi kasi talaga ako pwedeng bumagsak. Kahit sabihin pa nilang may summer class pa naman para sa pagkuhang muli sa asignaturang ito, di pwede. May problema pa akong kailangang asikasuhin. Tsaka wala na akong perang pangtustos sa pag-aaral ko. At ngayong posibleng hindi ko sya makumbinsi, edi tuluyan na din akong mawawalan ng scholarship. Baka hindi ko muna maipapagpapatuloy ang pag-aaral ko.

 

"Miss Lim, I can't do that. I'm sorry." Sabi nya na sakin na hindi na ako kinayang tignan sa mga mata. Hinarap nalang nya ulit ang laptop nya.

 

"Paki-usap Sir. Kahit pasadong marka nalang." 

 

"Just retake the subject during the summer class." Walang tinag nyang sagot sa pagmamakaawa ko. Hindi nga nya nagawang bigyang sulyap ako. 

 

"Sir!!!" Nakita ko ang panlalaki ng mata nya ng makita akong lumuhod sa harap nya. Alam kong mali ang ginagawa ko, pero hindi naman kasi sa lahat ng sitwasyon, laging yung tama nalang ang gagawin mo. Kasi hindi ako naniniwalang sa lahat ng matagumpay na mga personalidad ngayon, wala ni isa sa kanilang gumawa ng mali para umabot sila sa kinatatayuan nila.

Previous Page of 4Next Page

Comments & Reviews (514)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended