XX. Happy Birthday? (Kathryn & Daniel)

23.6K 288 42
                                    

(Kathryn)
"Happy birthday."

"Pang-ilan mo na 'yan, Daniel."

"Edi I love you nalang. I love you, Kathryn."

"Eeeehhh! Pinapakilig mo naman ako, Daniel eh." Nginitian ako ni Daniel at niyakap ako ng sobrang higpit. 'Yung yakap na alam mong mahal na mahal ka niya. 'Yung yakap na para bang nagsasabing hindi ka niya papakawalan. 'Yung yakap na sobrang sarap sa pakiramdam. "Mahal na mahal din kita." Sagot ko at niyakap siya pabalik.

Kakauwi lang namin. At dahil birthday ko raw ngayon, dito lang siya sa tabi ko. Si Nanay Melinda naman ay umuwi muna sa probinsya. Si mama at si papa, tumawag sila kanina. Ipapadala nalang daw nila ang regalo nila sa akin. Hindi naman importante 'yun. Ang gusto ko sana ay sila yung nandito ngayong birthday ko. Pero dahil nga may trabaho sila doon kaya bawal.

May kinuhang maliit na box si Daniel sa bag niya. Hinalikan niya ang noo ko at tsaka binuksan ang box. May isang singsing doon... infinity ring. "Kathryn, sobrang saya ko ngayon. Hindi ko inaasahan na magiging ganito tayo. Parang dati lang magkapatid tayo pero ngayon... girlfriend na kita. Nang malaman ng mama at papa mo ang tungkol sa atin, kinausap nila ako. Hindi raw sila makikialam sa kung anong meron tayo. Kasi hindi naman tayo magkadugo. Wala namang bawal. Ang sa kanila lang, alagaan daw kita." Ngumiti si Daniel at isinuot sa akin ang singsing. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. "Oo, aalagaan kita. Mamahalin kita. Akin ka lang, eh. I love you, Kathryn. Mahal na mahal kita." 

"I love you, Daniel." 

Wala na akong masabi.

Shemay! Kinikilig ako >///////////////<

*bzzzzzt* 

Sandaling nasira ang moment namin dahil sa isang text message. Kinuha ni Daniel ang cellphone niya at napakunot ang noo niya habang binabasa ang text.

"May problema ba, Daniel?"

Hinalikan ni kuya ang noo ko at tumayo. "Sorry, Kathryn pero kailangan ko munang pumunta sa ospital. Naconfine si Sue, eh. Sorry, Kathryn."

"Okay lang, Daniel. Mag-iingat ka." 

--------------xx
Ang lungkot-lungkot ko!

At dahil malungkot ako, nandito ako ngayon sa food court sa mall!

Habang kinakain ko 'tong inorder kong pagkain, may isang lalake ang umupo sa harapan ko. "HOY! EXCUSE ME MISTER PERO KILALA BA KITA?!" Sigaw ko doon sa lalake. Medyo pamilyar siya pero di ko matandaan! Pero shemay ang bastos naman ata ng lalakeng to!

"Teka lang miss... shut up ka muna!" sabi nung lalake.

Anak ng- antipatikong bading!!!

"Wag mo akong shut upin! Di naman tay-,"

Fifteen SecondsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon