chapter 1

110 2 2
                                    

 a*n/ hello!!! naisisipan ko lang po gumawa ng short story.. mga 5-1o chaps lang siya... 

wish you like it... 

----------------------------------------------------------

Gwapo.

Cool.

Mabait.

Hearthrob.

Matalino.

Iyan si Kristoff. Sikat siya sa skul. Number three sa DL.

At hindi pa siya nag-eeffort sa lagay nay un. Palakaibigan siya kaya malapit siya sa lahat ng lalaki… at kaya din patay na patay ang mga babae sa kaniya.

Pero kahit sandamakmak ang nagkoconfess sa kaniya.. (oo.. mga babae ang nagkoconfess sa kaniya)… wala pa siyang gf..

Ang lagi niya kasing sagot..

“Sorry po. But I haven’t found my girl yet.. Ayaw ko munang magkarelasyon hanggat wala siya. And I know you can find a more deserving guy than me that’s worth to be your guy..”

Oh di ba?. Prankahan lang?.. pero sa maayos naman na paraan. Dahil dyan, imbis na masaktan yung mga girls, lalo pa atang nainlab sa kaniya… Bawat araw, nadadagdagan ang fans niya… May galing pa ng ibang school.

Mabait nga kasi siya. Gusto siya ng mga titser. Maloko siya pero seryoso siyang kausap…

Magulo ba???

Ano kasi.. Makulit siya, Pero pag seryosong usapan na.. Maasahan mo siya.. Matulungin siya kaya naman sinasamantala ng ibang bruha sa paligid..

Ako? I’m Erika. Ako ang second sa  DL sa college namin.. First si Nico. Friend ko siya. Well, tatlo lang naman kasi silang friend ko dito eh. Si Marian, kikay siya. At si Lea. Tomboy naman siya. Si Nico, gwapo din siya. Hindi naman siya nerdy look kaya may mga nagkakagusto din sa kaniya.. ‘Di nga lang siya ganun kasikat kay Kristoff pagdating sa babae. Pero sa mga teachers sikat si Nico. 

Hmm. Siguro pansin niyo na.,

OO. Crush ko si Kristoff. Tulad ng ibang babae..

Pero hindi tulad nila, walang may alam na crush ko siya. Liban sa tatlo kong kaibigan. Mahiyain kasi ako.

Bukod pa dun..

Hindi ako maporma..

Hindi ako baduy..

Pero hindi din ako mahilig sa mahilig mag-ayos.

Wala kaming uniform kaya satisfied na ako sa simple jeans (ayaw ko ng leggings, gusto ko yung medyo maluwag sa dulo), simpleng t-shirt at rubber shoes. Di rin ako mahilig sa doll shoes. Ang buhok ko? Nakatirintas lagi sa magkabilang side. May suot akong glasses.  May astigmatism kasi ako. So yeah, I kinda look like a nerd. But I’m not a nerd.

Kaya hindi ko kayang magconfess kay Kristoff. Saka alam ko naman na hindi din niya ako magugustuhan. Kaya wag na lang sabiihin di ba?. Crush lang naman toh. Mawawala din toh.

Marian’s POV

“Eri!!!! Nic!!!! Lea!!!!” pagpasok ko sa room naming, iyan na agad ang bati ko.. Pagbukas ko ng pinto, nagulat lang ako na wala pa si Nic at Lea.. Si Eri pa lang ang nakaupo sa table namin.. At as usual..

“Ohy Eri. Nakatingin ka na naman kay Toffy” ^^

“Ah..Rian naman. Wag kang maingay.. ” >.<

Haha. Nakakatawa talaga tong si Erika. Namumula siya oh. Para siyang nadulas sa harap ng madlang pips. Eh ang andito lang naman eh ako at siya na nasa dulo ng room. At si pinakamamahal niyang Kristoff kasama ang dalawa pa niyang malokong barkada na nasa harap ng room. Oh diba, Heaven and Earth kaya ang gap. Pero kung makapula.. kala mo naman naririnig nila usapan namin.. ^^

HEY DAYDREAMERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon