Chapter 7: Evo

4K 84 25
                                    

Chapter 7: Evo

Kinabukasan, nasa kanto pa lang ako ng eskinita pauwi sa bahay, nakasalubong ko na agad si Kuya Ivan. Nandito na naman sya? Kakauwi nya palang kaninang umaga a. Saan kaya ang punta nito?

“Margarette! Ayun tamang-tama kauuwi mo lang, may pupuntahan tayo ng Kuya Dustin mo. Umuwi ka na sa inyo bilis, yosi lang ako.” nag-apir kami ni Kuya Ivan.

“Sige Kuya, kita-kits mamaya! Pero bawas-bawasan mo iyang yosi oy!” suway ko sa kanya sabay busangot, ngumiti naman ang loko.

Bumungad sa akin si Kuya Austin pag sampa ko ng aking kanang paa sa unang baitang ng hagdan papanik sa bahay namin. Naglilinis sya ng electric fan sa may labas ng pintuan.

“Hello Kuya A!” masayang bati ko sa kanya.

Tiningnan nya muna ako saka bumalik sa pagpupunas sa elisi ng electric fan na nakapatong sa hita nya.

 

“Sige na pumasok ka na sa loob, kumain ka na ng meryenda. May lakad kayo nila Dustin.” Tulad ng dati, ano bang bago. Sinungitan na naman ako ni Kuya Austin.

Madali akong tumakbo sa kwarto para magpalit nang damit. Pagkatapos nun, dumeresto ako sa kusina para magmeryenda. Nadatnan ko ang isang pirasong Spanish bread at isang tetra pack na juice sa mesa. Mukhang nagaabang na ito sa akin kanina pa, yum!

Bitbit ang mga pagkain ko, tumungo ako sa sala para sa sofa kumain habang nanonood ng tv. Kaso nung lumabas ako ng kusina, si Kuya Ivan na ang nadatnan ko.

 

“Tara na Margarette, nagtext sa akin si Dustin. Mauna na daw tayo, palabas pa lang sya ng trabaho.” Medyo malakas ang pagkakabanggit nya noon, kaya napatingin naman si Kuya Austin sa kanya.

Siguro hindi papayag si Kuya Austin na mauna kami kasi hindi ko kasama si Kuya Dustin, magagalit lang yun kay Kuya Dustin dahil hindi kami sasabayan ng kaibigan nya para umalis.

“Sige na Margarette, sumama ka na para makauwi kayo agad ni Dustin. Sabihin mo sa Kuya mo umuwi kayo agad, huwag kayong papagabi masyado.” Halos masipsip ko ang buong laman ng tetra pack dahil sa sinabi ni Kuya Austin. Himala, pumayag sya!

Madali kong binitiwan ang mga hawak ko at agad na lumapit kay Kuya A para magpalaam.

“Bye Kuya!” sambit ko sa kanya habang kumakaway pa.

“Ingat kayo, yung sinabi ko sa’yo ha. Sabihin mo kay Dustin.” Nakatingin sa amin si Kuya habang palabas kami ng bahay.

 

“Sige Austin, lakad na kami. Pakisabi na lang kay Tita umalis na kami ni Margarette. Akong bahala sa dalaga nyo, ‘wag kang magalala!” sumaludo si Kuya Ivan kay Kuya Austin.

"Chalstine, Log In!" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon