Chapter Sixteen

317K 3.2K 445
                                    

"Okay class dismisssed." Nagtayuan naman lahat ng estudyante at tsaka nagayos ng kanilang mga gamit. Umalis na ang teacher nila, yung iba lumabas na din ng room samantalang si Noneen naman parang tarantang nagaayos ng gamit nya. Sa totoo lang kinakabahan sya, simula nung matanggap nya yung text ni Lawrence wala na syang maisip kundi yun.



Magdadate ba kami? Isip niya. Pero umiling iling lang sya. Hindi malabo, si Lawrence Aayain sya ng date? Katapusan na ata yun ng mundo eh. Malay ba nya, baka sinusundo lang sya, baka naman pinapupunta sila ng lolo niya kaya sabi magkita sila sa parking lot. O baka nga mamaya..



papatulak lang sa kanya yung sasakyan baka nasiraan.



"Aisshh..tigilan mo nga ang pagiisip Noneen!" bulong niya sa sarili habang nilalagay ang notebook sa bag. Bakit ba kasi siya kinakabahan? Parang nagtext lang naman di ba?



Eh kasi naman, bakit siya magtetext ng ganun? Ng bigla bigla? Ano dahilan niya? Tsaka yung pagkakatext nya para lang pagkakasabi ni Ralph dati... napailing siya, grabe. Nababaliw na ba sya? Bakit ganito ang takbo ng utak niya.



"Charing charing aning aning ang gerlalung baklang bestfriend ko! Charotera ka, anong thinking nanaman yan? Why you look so kabaduts ha?" Napatalon naman sya sa biglang pagsasalita ni Rhian. Napalingon sya dito.



"Ano ba naman yang dila mo bakla. ni google translator ata di maisasalin yang pinagsasabi mo!" Sabi ni Noneen habang nakatingin sa kaibigan. Ngumiti lang ito pabalik sa kanya.



"Eh bakit ba kasi tarantang taranta ka dyan ha? para kang di matae sa itsura mo eh!" Sabi ni Rhian. Napabuntong hininga lang si Noneen.



"Di ko kasi alam gagawin ko bakla." Yumuko si Noneen. Para namang naguluhan si Rhian sa sinabi ng kaibigan. Ano daw?



"Why? What's the mattering ba? Wait." Nagkatinginan silang bigla. "JONTIS KA BAKLA???" Agad naman ang batok ni Noneen kay Rhian. Inirapan niya ito. Kahit kelan talaga tong kaibigan nya.

We Are Married?! (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon