Sulat... Para sa'yo!

415 7 6
                                    

Akala ko siya na.

Akala ko mahihintay niya ako ng apat na taon.

At ang pinakamalala…

Akala ko mahal niya ako.

Pero ngayon, I’m already leaving. Not for good but it’ll take some time for me to come back. Is it too late for us? Wala na ba talaga sa kanya? Kasi sa’kin… Meron pa.

 

 

- Valerie

 

 

-----------

Valerie’s POV

 

Ang flight ko ay 6PM. Nasa Starbuck’s ako ngayon at hinihintay ang tropa. Nag-GM kasi ako kanina sa kanila:

                Oy! Punta kayo dito sa Starbuck’s malapit sa’min.

                Alam niyo na naman ‘yun, diba? Kung hindi, set kayo ng meeting place niyo.

                Para sabay-sabay na kayo punta dito. Haha!

                Please… Punta kayo ah.

                Mamimiss ko kayo eh. LOL. :)))))

                Pagbigyan niyo na ako. :>

                -gm-

Ine-expect ko kumpleto kami. Hindi naman kasi nagreply ‘yung iba. Haaay! ‘Di na ako nasanay. Haha! At ayun, dumating na sila. Kaso… may kulang. Wala siya. Lima lang kami. ><

Ako: Uy! Shet! Dumating kayoooooooo! :))))))

Irene: Haha! Siyempre, para sa’yo best!

Diane: Oo nga! Mamimiss kita ‘teh! Sino na lang kasama namin mag-shopping galore!?

Ako: Nasan na ang boys? Tinamad na naman ba? Hmpf!

Mark: Sus! Nagtampo kaagad!

Diane: Oo nga naman! Ano ka ba! Basta may pagkain, nandyan ‘yang mga ‘yan! Lalo na’t libre! HAHAHA!

Drew: Grabe naman kayo. Haha! Anyway… Eto oh. Regalo naming sa’yo. Sa eroplano muna buksan. Nakakahiya eh. HAHAHA!

Ako: Naku! Salamat!! *tanggap ng box at nilagay sa bag* O siya! Order na, boys! HAHA!

Irene: Teka! Nasan si Vince?

Drew: Susunod na lang yata. Hindi masyadong nagrereply eh. O ano bang orders?

Sinabi naming ‘yung orders naming tapos sila na ni Mark ang nag-order. Kumain lang kami at uminom. Hindi ng alak ah! BAWAL ‘yun. HAHAHA! Kwentuhan lang. Mamimiss ko talaga ‘tong mga ‘to.

Sulat... Para sa'yo!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon