Chapter 20

30.4K 938 116
                                    

Chapter 20

            “Damn it Zoe! Gumising ka!” I heard someone screaming, “Fuck, fuck, fuck!”

            I opened my eyes at nakita ko na puro mukha yung nakatingin sa akin paibaba. I saw Jax, few more guys and girls na tinititigan ako including Lyka, Amanda and Robin, at pati na rin yung isa sa staff ng Log Cabin na tinawag nila. Hindi ko alam kung bakit nakatingin silang lahat sa akin. Basang-basa pa si Jax at yung ibang mga lalaki.

            I have no clue what happened. Ang alam ko lang, masakit yung ulo ko.

            “Kailangan ka naming dalhin sa hospital…” sinabi nung isang staff doon, “Anong nararamdaman mo?”

            I must have given them the deer-in-the-headlights look kasi hindi ako  makapagsalita. I touched the part of my head na masakit, at alam ko napansin nila na nag-cringe ako sa sakit. Sinubukan akong itayo nung isang lalaki na Ray daw ang pangalan na taga ibang university. Binigyan niya lang ako ng towel at tinakpan niya yung katawan ko, “Okay ka lang, Miss?”

            Hindi ko siya kilala pero tumango na lang ako. Na-touch naman ako sa concern nilang lahat sa akin. Kahit na hindi ko matandaan kung anong nangyari, may mga nagmamalasakit pa rin sa akin kahit hindi ko sila kilala. I remember swimming and calling out to Trixie for help before everything else became a blur.

            “Gaano ako katagal unconscious?” unang lumabas sa bibig ko nung nakapagsalita na ako.

            Tumingin sa akin si Amanda, “Saglit lang. Ilang minuto.”

            Nag-calm down naman yung situation kaya unti-unti na silang umaalis kung nasaan ako. Nag-stay pa rin yung Ray sa tabi ko at sina Amanda at Lyka. Trixie was missing pero hindi ko alam kung saan siya nagpunta. She left me earlier and she didn’t even try to help me.

            Nakita ko na nag-aaway yata si Robin at si Jax sa gilid. Napapansin ko na naaasar na si Robin kay Jax pero hindi ko alam kung ano bang seryosong bagay ang pinag-uusapan nila. Nakinig pa ako dahil konti na lang eh magsisigawan na silang dalawa doon. “So you’re saying I’m crazy then?” tinanong ni Robin si Jax ng deretsahan, “I’m telling you, I saw someone pull her out!”

            “Nasaan nga yung sinasabi mo na tao na yun ha, Robin? Mag-isip ka nga!” sinigaw naman ni Jax sa kanya, “You’re asking me to believe na may isang lalaki na nagligtas kay Zoe and then he just runs away to the woods after doing so. Think about it.”

            Hindi na niya hinintay yung sagot ni Robin dahil lumapit na siya kung nasaan ako at pinatabi niya yung mga lalaki doon sa gilid. He’s acting like my boyfriend na worried na worried sa akin. Kinuha niya yung kamay ko, and he carried me off.

            Nung una ayaw ko pa, pero malakas si Jax and I was in no condition to physically fight him. Besides, I think he meant well kaya sumama na lang ako sa kanya. “Dadalhin kita sa hospital,” narinig ko na sinabi niya.

            Hindi ko naman siya makumbinsi na huwag na akong dalhin sa hospital. Nakita ko na lang na dumiresto kami doon sa parking lot ng Log Cabin at binuksan niya yung passenger side ng kotse niya para makasakay ako. Saglit lang, I found myself being driven sa pinakamalapit daw na hospital doon, which happened to be 30-mins away. Seryosong-seryoso na nagda-drive si Jax nun and he looked somewhat pissed off. I wonder kung galit siya sa akin.

            Wala siyang sinabi sa akin all-throughout the ride. Nagsalita lang siya uli nung nakarating na kami sa hospital at ine-explain niya doon sa nurses yung nangyari. Mukhang pinapatagal pa nila yung usapan dahil parang sinisigurado yata nila na may pambayad kami doon. That caused Jax to burst, “I have money so you better check her out or I’ll sue this hospital.” Inilabas niya yung wallet niya and he pulled out a gold credit card, “Please, take a look at her.”

The Sacred Rule of Love - (PUBLISHED 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon