CHAPTER 53 (EDITED)

223K 4.1K 684
                                    

Update Date: 01/15/2020


*Marion's POV*

"Carmela, ilang beses ko bang uulitin sayo. Wala akong gusto sa kanya."

"Kuya naman, obvious na obvious ka na. SUPER!"

"Tigilan mo ko."

Kailan ba ko titigilan nitong si Carmela sa kakatanong niya? Saan ba nagmana ng kakulitan itong kapatid ko?

"Eh anong tawag dun sa laro niyo kanina ni kuya Nathan?"

"One-on-one."

"Duh? Alam kong one-on-one yun, pero alam ko ding one-on-one para kay Karissa."

"Hindi nga eh!"

"Tama siya, Carmela. Hindi kami nag one-on-one para kay Karissa."

"Kanina ka pa diyan?" Sabay pa kami ni Carmela tanungin ito kay Nathan.

"Dahil hindi naman niya kailangan makipagkompetensya sa akin. Kanyang-kanya si Karissa."

"NATHAN!"

Sa dami ng oras na puwedeng pumunta si Nathan, bakit ngayon pa? Dadagdag pa siya ngayon kay Carmela sa kakatanong. Pagod na ko. Gusto ko na magpahinga.

"So Kuya Nathan, wala ka talaga gusto kay Karissa?"

"Oo naman. Wala akong balak na maging karibal ni Pards saka malamang talo ako diyan."

"Teka nga! Ano ba pinagsasabi niyo?! Ilan beses ko bang sasabihin na wala akong gusto kay Karissa?!"

"SINONG NILOKO MO?!"

Sinisigawan ba nila ako?! Bakit ba nila pinipilit na sabihin ko sa kanila na may gusto ako kay Karissa?!

"Hindi naman masamang magsabi ng totoo sa mahal mong bestfriend at kapatid mo."

"Ano ba gusto niyo sabihin ko?"

"MAHAL MO SI KARISSA!" Sabay na sabay pa talaga silang sumagot sa akin.

"Hindi—" Biglang nagsalita si Nathan kaya hindi ko natapos ang sasabihin ko.

"Hep!Hep! Pardx, sige nga. Kung hindi mo siya mahal. Ano yung sinabi mo sa akin kanina?"

"Tandaan mo din, papatunayan ko sayo at lalo na sa kanya na DESERVING ako."

"Kilala mo ko Nathan, hindi ako agad sumusuko lalo na sa pagkakataon na toh. Hindi ko siya kayang i-give up ng basta basta lang."

"HAHAHAHA! Ikaw kuya ah, may mga linya ka pang ganyan ah."

"Huwag kang maniniwala kay Nathan. Sinungaling yang si Nathan." Sino ba kasing niloko ko? Tandang tanda ko pa yan mga linyang iyan na sinabi ko kanina.

"Kailan naman natuto magsinungaling si Kuya Nathan?"

"Sinasabi mo bang sinungaling ako?"

"Ngayon lang kuya, masyado ka kasing denial king!" At dahil sa sinabi ni Carmela, nagtawanan silang dalawa.

"Huwag niyo nga ako pagtulungan."

"Ayaw mo ba talagang umamin?"

"Wala akong aaminin."

"Sige, papatunayan ko talaga sayo na may feelings ka talaga kay Karissa kahit simula pa noon."

Class 4-6 - Book 1 (PUBLISHED ON POP FICTION 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon