CHAPTER 51 (EDITED)

192K 3.6K 114
                                    

Update Date: 01/14/2020

*KARISSA'S POV*

Bumalik na rin sa court sina Marion at Nathan pagkatapos nilang magpalit ng damit. At masasabi ko lang parang bumalik na talaga ang dating "Pards". At ito na naman kami, maiingay na naman ng Class 4-6. Kung ito lang sana gagawin nila, sana bumalik na lang sila sa classroom. Pati mga cheerdancers ko, hindi makapagconcentrate.

"Karissa, mas mabuti nalang siguro na bukas na lang tayo magpractice."

"Oo nga. Alam mo naman kung bakit di ba?"

"Sige, bukas na lang."

Tuwang-tuwa naman itong mga kasama ko. If I know, gusto lang nilang manuod ng training ng basketball team. Nagready na rin yung mga players at mga gustong magtry out. Pero mukhang pati sila hindi makapag concentrate.

"CLASS 4-6, Pwede tumahimik kayo?"

Aba, Deadma lang ang Class 4-6. Walang pumapansin kay Marion.

"Inuulit ko, Class 4-6, Tumahimik kayo!"

DEADMA STRIKE #2! Wala pa din pumapansin sa kanya. Enjoy na enjoy pa din silang magingay.

"Talagang pinupuno niyo ko, CLASS 4-6! PAG HINDI KAYO TUMAHIMIK, MAGTTRY-OUT KAYO SA AYAW NIYO MAN O SA HINDI!!!"

.......SILENCE.........

Biglang tumahimik yung paligid. Parang walang nabubuhay na Class 4-6. Akala mo, may napindot na "mute" sa remote control. Ganyan ba talaga nila ka-ayaw magtry-out?

"Pards, maghati tayong dalawa. Isa sa atin ang magpptraining sa varsity at yung isa, magpptry-out."

"So Pards, ano gagawin ko dun?"

"Nathan, maawa ka sa amin, ikaw na lang ang magtraining sa amin." Sabi ng isang varsity ng basketball.

"May sinasabi ka ba, Tim?"

"Wala po."

"Pards, ako na bahala sa magttry-out."

Parang binunutan ng tinik yung mga varsity dahil sa sinabi ni Nathan. Pansin ko lang, parang lahat yata iniiwasan si Marion. Anong problema?

"Lahat ng magttry-out, sigurado na ba kayo?"

"OPO!"

Hindi rin makulit tong si Marion? Ilan beses na ba niya inulit yang tanong na yan? Para naman yata na ayaw niyang magtry-out sila? Ang nakapagtataka lang, karamihan I mean halos lahat ng magttry-out, puro freshmen or kung hindi naman freshmen, mga new student.

"Buti na lang last year ako nagtry out."

"Oo nga e, goodluck na lan sa kanila."

"Magsisisi lang sila."

Ano ba naman itong mga ito? Magcchismisan na nga lang, rinig ko pa. Pero ano naman ibig sabihin nila? Nagrready na ang mga magttry-out.

"Magjogging kayo sa buong court, 15 LAPS."

15 LAPS?!!! Nppraning na ba siya? Papatayin ba niya yung mga magttry-out? Or baka ako naman tong exage? Baka ganun lang talaga ang try-out ng basketball?

"Hindi ko sinabing maglakad, sinabi ko jogging!"

Ano ba jogging sa kanya? Takbo? Kawawa naman tong mga nagttry-out. Hirap naman pala maging basketball player. After ng 15 Laps nila.

Class 4-6 - Book 1 (PUBLISHED ON POP FICTION 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon