CHAPTER 43 (EDITED)

187K 3.7K 409
                                    

Update Date: 12/23/19

"KARISSA ASAJAR!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

Hala, umagang umaga naman. May sumisigaw agad ng pangalan ko. Sino naman kaya ito? Napatingin naman kaming LAHAT kung sino iyon. Oo, pati Class 4-6 na wala naman talagang pakialam kung may sumigaw, eh napatingin na rin.

Teka, siya iyon isa sa mga anak ng SCHOOL PRESIDENT?! Iyong kababata nila MARION at NATHAN!

Anong kailangan niya sa akin?

"What?! Are you just going to stare at me?!"

Napatingin naman ako sa paligid ko. AKO nga yung kausap niya. Sa bagay, sino pa nga ba ang Karissa Asajar dito? Ako lang naman diba? Tumayo na ko at nilapitan na agad un babae sa harapan. Pero sa totoo lang, may kaba akong nararamdaman.

>>>>>PPPPPAAAAAKKKK<<<<<

"KARISSAAAAA!!!"

Siguro naman alam niyo ngayon nangyari. Sinampal lang naman ako ng bruhang ito. Oo! Bruha na siya ngayon! At ang sakit ng pagsampal niya! Halatang hobby niya ang manampal. At dahil doon, lumapit sa akin ang lahat ng Class 4-6.

"Bakit mo ginawa kay Karissa iyon?!"

"Kulang pa yun!"

"Hoy!! Ano bang problema mo?!"

"SIYA lang naman ang problema ko! Yan letcheng babae na yan!"

"CHLOE!! Ano ba yan pinagsasabi mo?"

Pati si Nathan napasigaw na rin dahil sa nangyari.

"Siya ang dahilan kung bakit napapahamak si Kuya Marion!"

"Hindi iyan totoo!"

"Hindi totoo?! I-explain niyo nga sa akin lahat ng nangyaring aksidente sa kanya!?!"

"Kaya nga aksidente eh! Hindi mo ba alam ibig sabihin noon?!"

"Guys, tama na yan. Chloe, bumalik ka na sa kwarto mo."

"Ikaw naman Kuya Nathan! Bakit dumidikit ka pa din sa babae na yan?! Ayoko naman ikaw ang isunod niyang mapahamak! Ikaw naman Karissa! Palagay mo naman, anghel ka?! Huwag kang feeling ha?! Dahil kung papipiliin si Kuya Marion sa ating dalawa, AKO ang pipiliin niya!"

"CHLOE!!!TAMA NA!!!!"

Si Nathan ba yun? Nagulat na lang ako sa pagsigaw niya. Halata naman natakot yung bru-- Chloe pala. Pero sa lahat ng sinabi niya doon sa huli niyang sinabi, para bang may tumusok sa PUSO ko!! BAKIT?!!

"Anong meron dito?! Chloe?"

Dumating na pala ang isang ito. Halatang may pagtataka sa mukha niya.

"Kuya Marion, pinagtutulungan nila ako."

Aba!! Anong sinasabi niya?!! Biglang nagbago ang mukha ng bruha!! Yung impaktang mukha kanina naging parang inaaping pulubi!! Pero may isang bagay na kinakatakutan ko.

"Marion, hindi ganun ang nangyari."

"Pwede?! Tumigil na kayo! Para kayong mga bata! Chloe, halika na."

Natatakot akong maging totoo yung huling sinabi ni Chloe, na SIYA ang pipiliin ni Marion. Hindi ko alam kung bakit, pero masyadong MASAKIT! Dahil siguro nasanay na akong siya ang laging nasa tabi ko.

Class 4-6 - Book 1 (PUBLISHED ON POP FICTION 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon