CHAPTER 3: No Way!

529 41 18
                                    

CHAPTER 3: No Way!!

(CAMILLE'S POV)

This is my day. And nothing can make my day go wrong! Sobrang saya ko. Nakapagsubmit na ako ng application sa website ng CRS tv, the country's leading channel station. Ako po ay nagmula sa kabilang istasyon na hindi ko na papangalanan, bitter na kung bitter. Anyways, after a day nacontact agad ako ng station para ischedule ang audition. Easy as ABC. Ang bilis umulan ng grasya sa life.

Pumayag si Rose na samahan ako at para na rin sa moral support. Kasalukuyan kaming nasa loob ng building. Sa may lobby, naglalakad.

Lakad

Lakad

Lakad

"Wow! Kung makuha mo yung role, araw araw kang nandito! Sisigla ka teh, kaliwa't kanan ang VITAMINS!" Sabi ni Rose. Nagtawanan lang kami sa sinabi niya.

(Author's Dictionary: Vitamins- noun. Mga lalaking gwapo, papable at yummy.)

"Oi Cam una ka muna pala, bibili lang ako dun. Susunod na ko."-Rose

"Sige, bilisan mo. Kinakabahan ako!" Kahit may experience pa ako, naninikip ang aking dibdib sa sobrang kaba dahil dito nakasalalay si future.

"Oo na, kaw pa kakabahan. Malabo!" Umalis na si Rose at naiwan ako.

Mag-isa na lang akong naglakad. Nagdecide akong maglibot muna, may isang oras pa bago magstart ang audition.

Tinignan ko ang paligid. Hmmmnnn... <3__<3

Bagay ako dito, puro pasosyal ang mga tao.

"Pare, naliligaw si Miss OCAMPO. Di ba sa kabila yan."

Narinig ko ang pangalan ko. At may tawanan pang kasunod.

ABA!... Pansin ko lang ang hilig magparinig ng mga tao sa kin. Hindi naman ako bingi.

Nakatitig na ako ng masama sa direksyon nila ngayon. Ang lakas ng loob nilang pagtawanan ako.

Pero natigil ako dahil sa lalaking nasa gitna. Kasama rin siya sa mga tumatawa pero natigilan siya nang mapansin niyang sa kanya na ako nakatitig.

Kung hindi ako nagkakamali siya yun e.

Kilala ko talaga 'to.

*FLASHBACK*

Masaya kong pinapanood ang aking tv show. Kinikilig ako ang sweet kasi namin ni Chris dito. Hindi kami tao dito dahil bagay na bagay kami!

Yun oh! Nakanang!   ^_^

Dumating ang aking manager.

"Camille kagagaling ko lang sa conference with our bosses at may hindi magandang balita."-Manager

"Anu po yon?"-Ako

"Sinabi nilang ipupull-out na ang show. Tatapusin na dahil sa sobrang baba na ng ratings. Hindi kayang tapatan ang mataas na ratings ng show sa kabilang istasyon."-Manager

"Pero hindi po pwedeng basta nalang alisin ang show, magtataka ang mga tao!"-Ako

"Sorry Camille, nag-usap na rin ang mga writers. Nagawan na nila 'to ng paraan."-Manager

"WHAT!!"-Ako

Nanginginig yung kamay ko habang kinukuha ang remote control ng tv.

Nilipat ko ang channel, hanggang sa makarating ako sa CRS tv.

Sakto, tumambad sa akin  ang isang gwapong lalaki. Black ang buhok, grey eyes, maputi, killer smile, at mukhang isang korean actor. 

Loveteam (Ongoing Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon