CHAPTER 33 (EDITED)

197K 4K 422
                                    

Update Date: 08/08/19

*MARION POV*

"Ang tagal mo naman gumising. Natatakot na kaya ako dito."

Si Isaw ba itong naririnig ko?

"Pero thank you ulit dahil niligtas mo na naman ako. Ang dami ko ng utang sayo. Paano ko kaya mababayaran iyon sa yo? Ang swerte-swerte ko dahil may nakilala akong taong katulad mo na daig pa si Superman. Masayang-masaya ako dahil lagi kang nandiyan na kahit ang sungit-sungit mo, yabang mo pa, may naitatago ka pa naman kabutihan sa likod ng pagiging bakulaw na kapre mo. I'm starting to fall---"

*blag!*

"MARION! KARISSA!"

Kahit kailangan talaga mga wrong timing! Sa dami ng oras ngayon pa nila napiling mangistorbo. Ano naman ginagawa nitong si Pards at itong kambal? Kasama pa ang dalawang kaibigan ni Karissa.

"Ayos ka lang ba Marion?!"

"Kailangan ka na ba dalhin sa hospital?!"

"Bobo mo talaga Japs. Nasa ospital na tayo."

Sino bang nagpapunta sa kanila dito? Pero mukhang alam ko na kung sino ang sagot sa katunungan ko dahil halatang halata na sa mukha ni bulilit ang kasiyahan sa mukha na nakarating tong mga pasaway ito.

"Mabuti nakarating kayo. Hindi ko talaga alam kung ano gagawin ko. Sorry Ciara and Rayne, kayo natawagan ko kasi hindi ko alam kung anong mga number nila Japs and Vince."

"Ayos lang noh Karissa. Ayos ka na ba Marion?"

Mukha ba kong hindi ayos? Parang tingin nila naputulan na ako ng paa. OA na naman kaya ang kwento nitong si Isaw.

"Sana hindi na kayo nagpunta dito."

Dahil mas magkakasakit yata ako kapag andito kayo.

"Ito naman si Pards parang ayaw yatang andito tayo."

"Himala yata hindi niyo kasama ang ibang Class 4-6."

Mas mabuti ng hindi ko pansinin un sinabi ni Nathan dahil alam kong may iba pa siyang gustong sabihin at ayokong maisip pa ng ibang tao dito sa loob ang ibig niyang sabihin.

"Gusto mo ba Pards tawagan ko pa silang lahat? Inaalala ko lang kasi baka gumuho itong ospital na ito kapag andito silang lahat."

"Hay naku, mas mabuti ng wala yun mga iyon. Teka, Karissa nakita mo kung anong plate number ng kotse? Para mareport natin."

"Sorry Ciara, hindi ko nagawang kunin un plate number dahil sa bilis ng pangyayari."

"ZJK 849"

Oh? Bakit gulat na gulat na alam ko yun plate number? Kailangan ko pa bang sabihin na "Sino nga ko?"

"IHO!"

Teka, bakit andito si Auntie K?

"Auntie K, ano pong ginagawa mo dito?"

"May nakapagsabi sa akin ang nangyari sayo, iho. Ayos ka na ba? Gusto mo tawagan ko na--"

"Auntie K!"

Biglang nilapitan ni Nathan si Auntie K at alam ko ng binulungan niya si Auntie K na andito ang mga kaibigan namin dahil mukhang hindi niya iyon napansin.

"Andito pala ang mga kaibigan mo, iho."

"Magandang gabi po."

Si Karissa ang unang bumati kay Auntie K, at parang kinakabahan ako sa tingin ni Auntie K kay Karissa.

Pero hindi rin nagtagal, lumapit din sa akin si Auntie K para bulungan ako na may tawag pala ako galing sa Amerika. Kaya binigyan ko na ng sign si Nathan kung ano na dapat niyang gagawin. Mabuti na lang talaga nakinig sila kay Nathan na kumain na muna sila at iwanan na muna kami ni Auntie K.

"Magandang bata pala siya."

"Auntie K, may tawag po ako diba?"

"Oo nga pala."

Binigay na sa akin ni Auntie K ang cellphone niya bago pa may sabihin pa si Auntie K tungkol kay Karissa. Baka marinig pa nitong kakausapin ko.

"Hello?... Bakit napatawag ka?... Hindi naman sa ganun... Ayos lang ako, parang hindi mo naman kilala si Auntie K, nagwoworry lang kayo sa wala... Hindi mo na kailangan umuwi dito... I really miss you pero mas makakabuti kung andiyan muna kayo... Ok, take care yourself. Ikaw ng bahala dun sa isa. I love you."

Binalik ko na kay Auntie K ang cellphone niya.

"Uuwi na ba sila?"

"Hindi pa, Auntie K."

"Bakit hindi mo pa sila pauwiin dito, Marion? Hindi mo ba sila namimiss?"

"Auntie K, alam mo kung gaano ko po sila namimiss pero para na din po sakanila yun kagustuhan kong magstay pa sila doon."

Napailing na lang sa akin si Auntie K. Alam niyang hindi pa din magbabago ang aking desisyon.

Napansin ko na rin na nagaayos na ng gamit si Auntie K, at doon ko naalala na may kailangan pa pala akong kausapin.

"Auntie K, puwede po bang paabot ng cellphone ko diyan sa drawer na malapit po sa inyo?"

"Ito ba iho? Bagong cellphone mo ba ito?"

"Oo, Auntie K. May kailangan lang akong tawagan."

"Sige, maiwan na muna kita iho. May aayusin lang akong nurse station."

Iniwan na ko ni Auntie K dito. Agad kong tinignan ang number ng tatawagan ko.

Marion, bakit mo ba gagawin ito?

*ring*

"Hello... Si Marion ito.. Huli na ba ako?.. Mabuti naman dahil nakapagdecide na ako.. Payag na ko sa gusto mo.. No, I'm doing this for...

HER" 


Class 4-6 - Book 1 (PUBLISHED ON POP FICTION 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon