Chapter 17

18K 172 1
                                    

Matapos ang dinner na 'yon, ilang linggo din akong walang balita kay Josh. Hindi rin naman kami magka-building kaya lesser chance na magkita kami.

Si Job, tuloy pa rin sa panliligaw pero hinihintay ko na sabihin niyang gusto niyang magpaalam sa tatay ko. 'Yun ang isang sign na sasagutin ko na ang isang lalake. If he is man enough to talk to my Dad. Pero so far, hindi niya binabanggit.

Oo, lumalalim ang pagka-crush ko sakanya pero hindi pa enough para sagutin ko siya. Besides, I still hate the fact that he is a slayer. I'm sorry, I respect the gang but I can't risk myself worrying too much especially that I know what they're up to.

Hindi naman siya yung pro active manligaw. He's just there, throwing hints but at the same time it felt like he was my real friend. That vibe. Kung magtuloy tuloy 'to baka maging bestfriend nalang siya.

"Cassie.", sabi bigla ni Job habang kumakain kami ng tsitserya habang nakaupo sa harap ng university grounds. Tumingin ako sakanya habang ngumunguya. "Bakit hindi mo pa ako sinasagot?" Naubo ako dahil parang may pumuntang bits sa daanan ng hangin. "Uy, okay ka lang?"

"Ganyan na pala manligaw ngayon? Humahanap agad ng sagot? Wala ka pang 2 months nanliligaw ah."

"Gaano ba katagal?"

"Una, may hinahanap ako sa isang lalake, hindi ko pa alam kung nasayo yon. Pangalawa, the contract with Josh at pangatlo, you're a slayer."

"First, understandable. Second, diba okay lang basta tago and lastly, so ibig sabihin hindi mo ako sasagutin dahil slayer ako?"

"The last one is negotiable. I'm just really anxious right now because of what you do."

"I told you, most of what we do are harmless, secret tasks like those are very rare."

"Kahit na. Let me think about it." Huminga siya ng malalim at tumayo. "Oh, san ka pupunta?"

"I have something to do, ingat ka sa pag-uwi." Umalis siya at hindi na ako nakapagpaalam sakanya. Is he upset? May nasabi ba ako? Hindi niya ako ihahatid ngayon?

Tumayo ako at kinuha ang mga gamit ko. May meeting si El, kaya mag-isa ko nalang talaga uuwi. Kumuha ako ng taxi at umuwi sa bahay.

Hindi pa man ako nakakatapak sa gate ng bahay namin, tumawag si Josh.

"Where are you?"

"I'm literally outside my house. Why?"

"Gonna pick you up in 5 minutes. Stay there. " What?! Hindi ako pumasok ng bahay. Saan nanaman ako dadalhin nito?

Ilang minuto pa, dumating siya sakay ng sasakyan niya. "Why?", tanong ko sakanya nang ibaba niyang window glass.

"Sakay."

"Tell me first why."

"Fine. I want to go out of my house, nasa bahay mga relatives namin at ayokong makipag socialize. Therefore, I used you as an excuse."

"And you think sasama ako sayo? Just go somewhere and tell them na kasama mo ako."

"We need pictures. Oh baka gusto mo dito nalang ako sa bahay niyo?"

"Oo na!" Padabog akong sumakay sa sasakyan niya pero sa likod ako sumakay.

"Ano ako driver mo? Harap!", sabi niya na may galit na boses. Dali-dali akong pumunta sa front seat at isinuot ang seatbelt. "Why do you always make me mad at you?"

"You're like hulk, you're always angry.", sabi ko at inirapan siya. "Mag drive ka nalang."

Hindi niya sinasabi sa akin kung saan kami pupunta. Ilang minuto pa, tumigil kami sa harap ng mall at pumila sa underground parking.

"Anong gagawin natin dito makiki aircon?", tanong ko. I hate malls!

"Hindi ba gusto niyong mga babaeng mag shopping?", tanong niya.

"Libre mo?"

"Bakit girlfriend ba kita?", tanong niya. Hindi ako makasagot. Technically, yes and no. Depending on who's around.

"Fine! I need to buy some things too. Kita nalang tayo somewhere after an hour.", sabi ko.

"Are you that disgusted being with me?", tanong niya. Huh? Pinagsasabi niyo? "Kanina mo pa ako pinapaalis."

"Well, ewan ko, you gave me that kind of vibe, na ayaw mo akong kasama."

"Ako pa ngayon eh ako nga laging nag-aaya sa'yo diba?"

"Eh syempre aayain mo ako kasi may kailangan ka sa akin. Bakit ba tayo mag-aayaan kung wala ka namang kailangan at wala akong kailangan sayo?", tanong ko.

"Hindi ba pwede?", natigilan ako. Wait what? "Hindi ba pwedeng ayain kita kahit hindi kita kailangan?"

"At bakit?"

"Wala.", sabi niya at nilakasan ang music. Napaka childish talaga niya! Hininaan ko ang music.

"Excited na akong matapos ang 3 months para hindi na tayo magkita!" sigaw ko at nilakasan ko ulit ang music. Mula noon, hindi na kami nagusap hanggang sa makarating kami sa loob ng mall.

"Dito ako, meet me after an hour." Nauna akong tumalikod at pumunta sa Watsons. My love. Mura na, maganda pa!

Nagshopping ako ng pang beauty maintenance at kung anu-ano pang hindi ko kailangan. Pumunta ako sunod sa department store at tumingin ng mga underwear. Bumili ako ng tatlong bra at isang box ng panty.

Nag-ikot ikot ako at namalayang halos isa't kalahating oras na akong naglalakad. Si Joshua! Nilabas ko ang phone ko at sinubukan siyang tawagan pero nakapatay phone niya. Tumakbo ako papuntang meeting place pero wala siya. San na 'yong lalakeng 'yon?

Sinubukan ko siyang tawagan pero out of coverage na. Hindi rin siya sumasagot sa text. Prank ba 'to? O baka may nangyari sakanya? Naghintay ako at naghintay at naghintay. Dalawang oras na pero wala pa siya. Nagugutom na ako.

"Cassie!", tawag ng isang boses ng lalaki. Lumingon ako, si Job.

"Oh? Anong ginagawa mo dito? Eto ba yung sinabi mong pupuntahan mo kanina? ", tanong ko.

"Ha? Hinde. May binili lang ako. Tulungan na kita." Kinuha niya ang mga paperbag sa kamay ko.

"Salamat."

"Pagsabihan mo 'yang kapatid mo ha, matapos niya akong dalhin dito iiwan niya ako na wala man lang pasabi? Gawain ba ng matinong lalaki 'yon? Oh, nandito ka rin ba kasi iniiwasan mo mga relatives niyo?"

"Relatives?", tanong niya. "Ah oo."

"Magkapatid nga kayo. Buti nalang nandito ka. Kumain ka na ba? Tara!" Hinila ko siya papunta sa isang restaurant at nag dinner kami.

Humanda sa akin 'yang Josh na 'yan.

When she met Mr. Gangster(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon