Wizard's Tale 1: Chapter 26

166K 4K 831
                                    


(Brylle POV)


Inaya akong mag-lunch ni Yana, kaso kasama si Elysse. From what I remember, masama ang ugali ng babaeng yun. "Hello Brylle!" Nagulat ako nang makita ko si Yana sa labas ng room ko. "Lunch na! Tara na sa cafeteria!"

Talagang sinundo pa niya ako dito! "Ayoko ngang sumabay! Bakit ba ang kulit mo?"

"Sige na naman Brylle! Naging mabait na saakin yung tao! Please naman! First friend ko siya!"

Naging mabait lang sa kanya, kaibigan na agad? Inosente talaga 'tong babaeng ito! Mabilis siyang magtiwala kaya palaging inaabuso! "Ano bang ipapakain niyo saakin?" Saka ako napatingin sa hawak niyang box. "Yan ba? Ano yan?"

"Hindi ito! Saakin 'tong cupcakes na 'to!"

"Patingin." Sisilipin ko sana kaso iniiwas niya. "Ang damot mo naman! Pahingi ako! Gusto kong tikman! Mukhang masarap."

"May iba kayo—tayong kakainin for lunch! Wag mo nang pag-interesan 'to! Akin 'to!"

Ang damot talaga! Hindi ko kasalanan na lagi niya akong iniinis at lumalaki ang impurity sa singsing niya. Siya naman kasi, kung minsan ang tigas ng ulo! Ayaw na lang akong sundin agad!

Wala akong nagawa sa pangungulit niya kaya sumunod na lang ako. Tamang-tama dahil gusto ko ring malaman ang tunay na intensyon ni Elysse kung bakit nakikipagkaibigan siya kay Yana.

Kung may masama man siyang plano, malalaman ko agad! At hindi siya makakapagsinungaling saakin.

"Nandito na kami Elysse!"

Nasa isang table siya at may mga pagkain na sa harap niya. Ang laki ng ngiti niyang nang makita kami. "Hi! Buti naman dumating na kayo!"

"Sabi naman sayo mabilis lang kami."

Nang makalapit ako kay Elysse, hindi ako makapaniwala sa naramdaman ko. Totoo ba 'to? Tunay ngang kaibigan na ang turing niya kay Yana? Wala akong maramdamang aura mula sa kanya na nakikipaglokohan lang siya.

"And Brylle! It's good to see you again! Tara, upo ka na dito!"

But more than that, alam ko rin na may hidden agenda pa si Elysse kung bakit niya ito ginagawa. "I made lunch for us, Brylle. Sinigurado ko na magugustuhan mo 'to." And even without my empathic abilities, it's already obvious that she likes me. "Let's eat na!"

Ang gwapo ko talaga. Tsk!

Hindi ko na lang sana papansin at kakainin ko na lang ang hinanda nila, kaso yung babaeng nag-aya saakin, siya pa itong nagpapatagal. "Ikaw Yana? Bakit nakatayo ka pa dyan? Kakain na!" Saka ko tinapik ang katabi kong upuan para dun siya maupo.

"Um, ang totoo kasi Brylle—"

"Excuse me." Napalingon kami sa isa pang dumating! Bakit naman biglang sumulpot pa ang lalaking ito ngayon? Ang Prince Dustin ni Yana.

"You're here na pala, Dustin!"

"Hi!" Bati niya saamin, pero naiwan ang tingin niya kay Yana. "Hi Alyanna."

"Go na Dustin, isama mo na si Alyanna!" Saka siya kinindatan ni Elysse.

Halatang nagkahiyaan naman sina Yana at Dustin. Pero hindi ko gusto kung ano man ang nangyayari ngayon.

"Anong isasama si Yana? Hoy babae," Tukoy ko kay Yana. "Maupo ka na nga! Ikaw ang nag-aya saakin na kumain tayo ng sabay, di ba?"

Pero sumingit si Dustin dahil may iba pa pala silang plano. "Brylle Zaffiro, right?

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon