Chapter 1

139K 3.1K 233
                                    

FINA

ILANG LINGGO NA ang nakalipas mula nang makatulog si Fina sa apartment ng lalaking hindi niya kilala.

She was able to escape from him that time. 'Yon nga lang, sa sobrang pagkataranta niya at sa kagustuhang makawala agad, hindi niya napansing naiwan niya pala roon ang wallet niya.

"Uy, Fina." Bigla siyang siniko ng matalik niyang kaibigang si Ellie habang sabay na naglalakad papunta sa school gym. "Bakit tulala ka na naman diyan? Anong problema mo?"

Bumuntong-hininga siya. "'Yong wallet ko, eh. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung paano ko 'yon naiwan sa apartment ng lalaking 'yun, e hindi ko naman 'yon nilabas sa bag."

"Ano ba 'yan, hindi ka pa rin maka-get over. H'wag mo na ngang isipin! Kung maka-feeling concerned ka naman diyan e wala namang laman 'yong wallet mong 'yon."

"Sira! Hindi sa walang laman. Alam mo naman kung gaano ka-special sa 'kin ang wallet na 'yon. Bigay 'yon sa 'kin ni Mama bago siya umalis papuntang Singapore."

"I know. Pero wala ka naman nang magagawa e. Unless you wanna search for that guy here at kunin mo nang personal sa kanya? Sabi mo sa 'kin, dito rin naman 'yon nag-aaral?"

"Oo. Napansin ko ang uniform niya, eh. Alam kong taga-rito siya."

"Gusto mo siyang hanapin? I will help you."

Hindi na siya sumagot. Of course she will never do that. Hiyang-hiya na nga siya sa fact na nakatulog siya sa apartment nito tapos lalapitan niya pa.

Dumiretso na lang silang magkaibigan sa gym kung saan gaganapin ang panonoorin nilang open practice game ng basketball team nila laban sa team mula sa ibang university.

She and Ellie have been best friends since high school.

Pero bukod sa pareho nilang gusto ang medical field, wala na siyang ibang maisip na dahilan kung bakit talaga sila naging malapit sa isa't isa. Kung tutuusin kasi, they're from different worlds. Anak mayaman si Ellie. She's the daughter of the rich Fajardo couple na nagmamay-ari ng isang kilalang airline company. While her? She's a daughter of a widowed woman na kasalukuyang nagta-trabaho sa ibang bansa para lang makapag-aral siya sa sikat na university at makapag-tapos sa kursong gusto niya.

Her best friend is a pretty girl, she's not. Pero sa tingin niya lang naman 'yon. Palaging sinasabi sa kanya ni Ellie na maganda siya, hindi nga lang siya naniniwala. Siguro dahil hindi naman kasi siya madalas manalamin kaya hindi niya napapansin na makinis ang kutis niya, na maamo ang mukha niya, at na bagay na bagay sa kanya ang natural big-curled hair niya. She's as pretty as Ellie. Kulang lang siya sa confidence.

**

PAGKARATING NILANG DALAWA sa school gym, tinuro agad sa kanya ni Ellie ang mga bakanteng upuan sa harapan. "Ayon, Fina! Doon tayo pumwesto."

Sakto, malapit sa court. Mas mapapanood niya nang maayos si Pierre. Siya na mismo ang humila kay Ellie para pumunta sa pwestong iyon.

Si Pierre. Let's just say he's a very special friend. Naging kaklase niya ito sa isang minor subject noong first year. Doon sila naging malapit sa isa't isa.

Pierre is a happy guy. He's a real looker at napaka-galing pang mag-laro ng Basketball. Siya nga ang nag-udyok dito na mag-try out kasi nakita niya talaga ang husay nito. Ngayon, si Pierre na ang captain ng kanilang basketball team. Kaya nga nandito siya sa open practice game nito. Susuportahan niya ang kaibigan kagaya ng parati niyang ginagawa.

"Fina." Bigla na naman siyang kinalabit ni Ellie habang nakaupo sila. "Tingnan mo 'tong lalaki sa kabilang gilid ko. Kanina pa 'to tingin nang tingin sa 'yo, eh."

Mending Fina [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon