Chapter 68

14.5K 210 16
                                    

Chapter 68

Luna

“Ayoko nga kasi!”

     Nandito kami ngayon ni Steff sa loob ng tent ko. Nakaupo ako at kumakain ng sitsirya habang siya naman ay walang tigil sa pangungulit sa akin.

     “Sige na kasi! Ako ang malalagot kay Ma’am Sungit niyan.” Kinamot na naman niya ‘yung ulo niya.

     “Sino ba kasi ‘yung nagbenta ng pangalan ko?” Nagtaas ako ng kilay at tinitigan siya ng makahulugan.

     “Tsk! Ano ka ba naman, sis. Syempre ikaw ‘yung sinuggest ko kasi bilib ako sayo,” pambobola sa akin ni Steff.

     Sumubo ulit ako ng isang piraso sa kinakain kong sitsirya. “E, problema mo na ‘yan.”

     “Sis naman!” Umusog siya papunta sa akin. Malapit na ding gumabi kaya ganito nalang ‘yung pagpilit sakin ni Steff. May bonfire kasi mamayang gabi at mayroong mga performance na kanta at sayaw. Tapos ito pang dakila kong kaibigan ay ibinenta ‘yung pangalan ko na kakanta ng hindi ko man lang alam.

     “Hindi ba ang president, dapat laging nagpaparticipate?” kumbinsi pa rin niya.

     “Luma na ‘yan.” Nag-poker face ako sa kanya.

     “You look so cool when you sing, sis!”

     “Ang tagal mo nang sinabi ‘yan.”

     “Walang-wala sa’yo ‘yung mga singer ‘na ‘yun!”

     “Dati ko pa nabili sa Divisoria ‘yan.”

     “Siguradong lalong tutulo ang laway sa’yo ni Jessie ‘pag nagkataon!”

     “Kasasabi mo lang kanina niyan.”

     “Dadami fans mo, sis!”

     Nagbuntung-hininga ako at umiwas ng tingin. Si Steff naman biglang tumahimik at mukhang mangiyak-ngiyak pa.

     “WAAAH! AYOKO NA! I GIVE UP!” Gumapang siya papunta sa opening noong tent. “Ang tigas ng ulo mo! Ihahampas nalang kita sa bato!”

     Kumuha ako ng isang piraso at sinabing, “Madudurog lang ‘yon.” Tapos ay tuloy lang ako sa pagnguya.

     “Tse! Dyan ka na nga!” At pagkatapos ay tuluyan na siyang lumabas ng tent.

     Kring. Kring. Kring.

     Kinuha ko ‘yung cellphone ko sa bag.

My Drummer Boy [AVAILABLE IN ALL BOOKSTORES NATIONWIDE!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon