Chapter 2- When I Close My Eyes

31.2K 473 86
                                    

(Music for the Chapter at the side----------->  ( When I close my eyes )

----------------------------------------------------------------

Gaya nga ng sabi nito bumalik ito kinabukasan ang kaso hindi na nanaman nito ito naabutan. Nagpasensya naman ang Mommy Elle niya dahil hindi nito napigilan ang anak na umalis ngumiti na lamang si Sharm kahit na nadissapoint siya sa maagang pag-alis ni Sammy na tila iniiwasan siya.

Kinabukasan maaga nanaman siyang umalis para maabutan niya si Sammy alas kwatro pa lamang at nag-impake na siya ng dadalhin niya kila Elle doon niya kasi naisipang matulog para makasama niya ng matagal si Sammy nagpaalam na rin siya sa magulang niya at pumayag naman ito.

Alas Kwatro imedya pa lang at nasa tapat na siya ng gate nito, kabababa pa lamang niya ng sasakyan nila dahil nagpahatid ito sa driver nila ng mamataan niya ang kaaalis lamang na sasakyan na galing sa loob ng  bahay nila Elle.

‘Sino iyon ? Ang aga naman ?’ pagtatanong nito sa sarili pero agad naman niya itong binalewala at agad na nag-doorbell.

Pinagbuksan naman siya ng isa sa mga katulong nila Elle.

“Good Morning Ma’am Sharm.” Bati ng katulong nito.

 

“Good Morning din po..” ,masayang sabi nito. SInarado naman ng katulong iyong pinto saka humarap sa kanya.

 

“Sa guest room ko nalang po muna ilagay iyong mga gamit ninyo para hindi po kayo mahirapan..” pag-alalay nito sa kanya.

 

“Ah hindi na po , ako nalang…Ahm..Saan po pala iyong kwarto ni Sammy ?” pagtatanong nito sa kwarto ng binata.

 

“Iyong una po banda dito sa kanan..At katapat naman po iyon ng guest room..” sabi naman ng katulong sa kanya, para naman siyang nanalo sa lotto ng mabanggit ito kaya agad siyang pumunta muna ng guest room para ilapag ang gamit at dumiretso sa kwarto ng binata.

Pagbukas pa lamang ng pinto ay tuwang tuwa na siya ng makita ng mahimbing na natutulog ito habang nakatalukbong ng kumot.

 

‘Naabutan din kita ngayon. Hah !’ ngising sabi niya sa isip niya. Dahan dahan naman siyang naglakad patungo sa kama nito at agad na dinambahan ng yakap ito sa higaan ng bumagsak siya sa malambot na kama at walang matigas na katawan na nadama.

Nagmamadali niyang inalis ang kumot at wala siyang nakitang Sammy na nakahiga. Hindi niya alam pero ngayon pa lamang alam niya na iniiwasan na siya nito.. Galit ata ito sa kanya.

Hindi niya namalayan nagtatampong nakatulog siya sa kama ng binata.

Nagising na lamang siya ng bumukas ang pinto at iniluwa ‘nun ang Mommy Elle niya na ngingiti pa sana na babati sa anak nito ng makita si Sharm doon.

“Good Morning Baby Sam---Sharm ?” taking bati nito..

“Bakit nandito ka sa kwarto ni Sammy ? Ay Teka naabutan mo ba ? Saan na siya?” sunod sunod na tanong nito sa kanya..

So Close So FarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon