Previous Page of 3Next Page

The Princess' Heart (Completed)

spinner.gif

 

 

 

Ilang araw nadin ang lumipas at naging okay naman ang lahat. Hindi ko na nakikita si Xander at naging maayos parin naman ang buhay ko. Iyong sa’min ni Kaylee, napagdesisyunan ko na huwag ng pag-usapan pa iyong tungkol sa ginawa niya sa sapatos ko. Ayoko na kasing magkailangan kami ulit.

 

Okay naman kaming dalawa ni Kaylee ngayon, although paminsan minsan hindi kami masyadong magkasabay sa pag-uwi dahil may aasikasuhin pa daw sya, naiintindihan ko naman.

 

“Louise, anong gagawin mo pagkatapos ng class natin?”

 

Pabulong na tanong sa’kin ni Kaylee habang nag didiscuss iyong teacher naming sa philosophy. 30 minutes nalang at matatapos na iyong class naming.

 

“Uuwi na siguro. Bakit mo natanong?”

 

“Wala lang. Pwede mo ba akong samahan mamaya? Sige na please? Shopping lang.”

 

Napalakas ng konti iyong boses ni Kaylee kaya nilingon kami ng teacher namin. Mabuti nalang talaga at hindi niya kami pinagalitan. Ngumiti nalang kami pareho ni Kaylee at nagpakita ng ‘I’m sorry look’.

 

“Cge. Samahan kita mamaya. Pero huwag tayo masyado magpagabi ha. Baka pagalitan ako ni Daddy.”

 

Masigla namang tumango si Kaylee.

 

 

 

Natapos na nga iyong klase naman at dali dali na kaming pumunta ni Kaylee sa parking space para umalis na ng school. Hindi ko dala ang kotse ko ngayon dahil may sira na naman. Tss! Kailangan na talaga sigurong palitan iyong kotse ko.

 

Sabi kasi ni Daddy mag taxi nalang ako kesa naman may mangyari pang masma sa’kin eh hindi pa naman ako marunong umayos ng kotse. Ayoko din namang maulit iyong nangyari sa’kin non. Katakot!

 

Nakisakay nalang ako sa kotse ni Kaylee at dumeretso na ng mall. Medyo excited din naman ako dahil sa matagal tagal nadin akong hindi nakakapunta ng mall.

 

 

“Onga pala Louise. Sino nag-aalaga kay Misha ngayon?”

 

Tanong ni Kaylee habang mina maneuver ang manibela niya.

 

 

“Pag wala si Kuya sa bahay, walang nag-aalaga kay Misha. Pero sa tingin ko nakauwi na ata si Kuya ngayon kaya wala dapat ipag-alala. Magkasundo kasi silang dalawa.”

 

Hindi ko talaga inasahan na magkakasundo si Misha at si Kuya. Hindi naman kasi mahilig si Kuya ng mga pets. Gusto ngasanani Mommy na kumuha kami ng aso non kaya lang ayaw ni Kuya at ni Daddy Kurt. Hmmp..

 

Pagdating naming ni Kaylee sa mall nag libot libot na kami agad. Ang dami na nga niyang pinamili. Hindi ko alam kung ilang oras na kaming palibot libot sa mall. Ayaw pasananiyang umuwi kaso lang nagreklamo na ako dahil sa sobrang sakit na ng paa ko.

 

“Gusto mo na talaga umuwi?”

 

Tanong ni Kaylee habang dala dala niya iyong mga paper bag na pinamili niya.

 

“Masakit na kasi paa ko. Pero ano..Kain na muna tayo bago tayo umuwi.Paranaman magkalaman na ‘tong tiyan ko.”

 

“Sige uuwi na tayo. Pero huwag na muna tayong kumain. Don nalang sa inyo.”

 

“Huh? Eh sa tingin ko hindi pa dumadating si Mommy at Daddy ngayon…”

 

Tinignan ko iyong oras gamit ang wrist watch ko. 7:01 pm pa lang.

 

“Sigurado akong walang pagkain sa bahay.”

 

“Cge na please?”

 

Hindi ko alam kung bakit umaasta ng ganito si Kaylee. Hindi naman kasi siya mapilit na tao. Pero siguro lang eh namiss niyang kumain sa bahay namin.

 

“Cge na nga. Magluluto nalang ako mamaya kung hindi pa nakapagluto si Kuya.”

 

“Thank you Louise. Saglit lang ha may tatawagan lang ako.”

 

Paalam ni Kaylee habang lumayo siya ng ilang hakbang mula sa’kin. Wala akong ideya kung sino ang tinatawagan niya ngayon.

 

 

 

“Okay na.. Tayo na”

 

Tumango lang ako sa kanya at dumeretso na kami sa parking lot. Inilagay na namin ang mga paperbag sa trunk ng kotse ni Kaylee saka kami umalis ng mall.

 

 

“Sino iyong tinawagan mo Kaylee?”

 

Tinanong ko siya dahil nacurious ako kung sino iyong nasa kabilang linya.

 

“Si Xander.”

Previous Page of 3Next Page

Comments & Reviews (87)

Login or Facebook Sign in with Twitter


Vote library_icon_grey.png Add

Multimedia

Chapter 26: Xander's Version

Cast

kwon su jeongas Louise Princess Montefalcon
Lee Jonghyunas Alexander Brent Yap

Recommended

Imperfect Love ( ONHOLD )Fix My Broken Heart (Ranz Kyle ft. Chicser)♥ CLAN WARS ♥The Guy in Facebook