Kabanata XIV

1.6K 49 6
                                    

Chapter  14

ONE DAY LATER...

Ina's POV

Malaya kaming nakalabas sa aming paaralan, at ang napakalungkot lang ay kunti nalang kaming natira matapos ang karumal dumal na mga pangyayari. Akalain mo sa isang iglap nawala sila.Naglaho sila na parang mga bula. Wala naman kaming magagawa kung hindi ang tanggapin ang katotohang patay na sila. Wala na ang mga taong matagal monang nakasama matapos ang ilang taong pag-aaral sa unibersidad.

Yeah, Ou nga pala. Mahanggang ngayo'y wala parin kaming kaalam alam na kung sino ang may pakana na mga nangyari noon sa amin? Pero ayon kay Miss Vega, isang naliligaw na kaluluwa daw ang may gawa ng lahat ayon sa haka-haka niya. At Ou din, pinatawad kona si Roel sa kanyang atraso sa akin. Kahit papaano'y bumalik kami sa dati na dating kami. Mas lalo pangang gumanda ang relasyon namin matapos ang lahat-lahat na pangyayari kasi mas lalo kaming naging matatag sa isa't isa.

Agad akong pumunta sa kwarto ng dormitoryo  namin para makapagpahinga. Bukas nanga din pala ang alis namin dito sa uniberidad. Bukas pa ang alis namin pagkatapos nang prayer vigil na ulit gaganapin sa gymnasium. Kailangan kaming makadalu sa prayer vigil na gaganapin sa gymnasium para mag paalam sa mga pumanaw naming mga kaklase.

Napagdesiyunan konang matulog sa aking kama, pero bago paman ako nakatulog may kakaibang ingay at kaluskos akong mga naririnig sa buong silid na kinaroroonan ko. Nung una hindi ko nalang ito pinansin siguro'y imahinasyon kolang ang lahat pero parang kakaiba na, kakaibang kakaiba na talaga. Hindi na ako nakapagtiis pa at agad  kong tininingnan ang buong paligid. Ewan ko, pero parang may nakikita akong mga napakapamilyar na tao na ngumingiti sa akin. Hindi ako maaring magkamali, ang mga taong mga nakita ko ay walang iba kung hindi sina Jenny, Cassie at ang mga dati kong kaklase.  Pinikit ko ulit ang aking mga mata na agad ko namang kinurap, sa ngayo'y wala na akong mga nakita. Hindi kona sila nakita, siguro'y tama nga. Imahinasyon kolang ang lahat. Makatulog na nga.

Roel's POV

"Paaalam sa inyong lahat, nawa'y nasa mabuting kinaroroonan na kayo ngayon." mahinang wika ko sa aking kinahihigaan ngayon. Lintik naman itong si Drew oh, tulog na pala ang mukong nato hindi man lang nagsabi na matutulog na pala siya. Kahit kailan gago talaga. Nasa iisang kama ngapala kaming natutulog ni Drew ngayon. Natatakot? Hindi naman, pero iwan ko sa gagong katabi ko kung natatakot ba ito kaya tumabi sa akin. Makatulog na nga.

School Bell (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon