Zenia's POV
"Malinaw na sakin. Sige, salamat." yan yung huli kong nasabi kay Justin sa cellphone.
Why do I have to be hurt this much? :(
Hindi niya na ako mahal? Ayoko siyang ilet go. Gusto ko padin ipagtulakan yung sarili ko sakanya pero kung saan siya magiging masaya, dun ako.
Nagpunas na ako ng luha. Wala ng magagawa yung pagiyak ko, hindi din naman babalik si Justin sa akin kapag umiyak ako ng umiyak. Hindi na niya ako mahal? Halos bumagsak yung buong mundo ko nung narinig ko yun.
"Ateeeeeee!" May sumigaw sa likuran.
Nilingon ko, si Tobieeeeeee!
Tumakbo siya papalapit sa akin.
"Hello ate!" sigaw ni Justin tapos hinug niya ako. I missed this kid!
"Hello din Tobie. Sino kasama mo papunta dito?"
"Ah si mommy po. Sinundo kami po ni momay eh!" Momay yung tawag niya kay mommy. ^_^ Medyo gumaan yung loob ko ng makita ko si Tobie.
"Ate, bat mata mong maga?" He can barely speak padin. Bakit nga ba mata maga ko? hahaha. I mean, maga mata ko?
"Ah. Wala pang tulog si ate eh? Tara laro muna tayo loob!" aya ko kay Tobie tapos pumasok kami sa loob.
Pagpasok namin sa loob. Nakita kong naguusap si mommy saka yung mommy ni Tobie, Si Daddy naman, may kausap sa phone pero binaba din.
"Anak!" tawag sakin ni daddy tapos lumapit sa amin ni Tobie.
"Bakit po?"
"Clear your schedule on September 19. We will meet a very special people, a very special person." yan nanaman si daddy! Tapos hindi nanaman matutuloy. Napaka-VIP naman nung taong yun!
Teka? Kailangan pala namin magprepare sa birthday ni Justin and Flip?! Halaaaa! May conflict!
"Ah daddy, sorry pio. Hindi po kasi ako pwede.."
"This is really important. Just do it okay? Osya, aalis muna ako." Paalam ni daddy tapos kiniss kami ni Tobie sa noo.
Hala? Pano yun? Birthday ni Justin sa 20. Kailangan ko maghanda para dun! Bakit kailangan pa kasing magkagulogulo yung schedules eh.
*Ring!ring!ring!*
Huh? Tumatawag si Flip sakin?
*PHONE CONVO. ZENIA&FLIP*
"Oh Flip? Napatawag ka?"
"Papunta ko ngayon sa dream 69. Andun ngayon si Justin, mukhang nagloloko nanaman eh. Nga pala, I just called to say this."
"Oh ano yun?"
"Nagpupumilit si Ella na siya yung maghahanda para sa birthday namin ni Justin. Sinabi ko na ngang hindi eh pero nagpumilit padin."
"Ah sige okay lang. May biglaang lakad din kasi si daddy. Sorry Flip ah? bibili nalang ako ng regalo para sa inyo."
"Sige okay lang sakin. Okay ka lang ba? Nagaalala ko para sayo. Uminom ka ba ng vitamins?" Pati si Flip alam yung about sa paginom ko ng vitamins? So ako nalang pala talaga yung hindi nakakaalam? Bakit kailangan ako pa yung huling makaalam?
"Flip, alam ko nang may sakit ako sa puso. Hindi vitamins yun."
"Ah hehe. Nagaalala lang ako baka kai di ka kumakain ng maayos saka hindi mo iniinom gamot mo dahil sa mga nanyayari sa inyo ni Justin."
"Thank you sa concern Flip. Ayoko pa namang mamatay eh. There's something na nagbibigay sakin ng hope eh? hindi ko alam kung ano yun."
"Ah wag mo ganong intindihin yun ah? Andito lang kami palagi."
"Sige salamat! Thank you talaga. Siguro kayo yung nagbibigay sakin ng hope na yun!"
"baka nga. sige, babye."
*end of convo.*
Nilibang ko nalang yung sarili ko. Tinuon ko muna yung atensyon ko ngayong araw kay Tobie. Pero kahit anong paglilibang ang gawin ko, hindi ko padin maiwasang isipin si Justin? Kamusta na kaya siya? Hindi na ako sanay na hindi kami magkasama e.
Naglaro lang kami ni Tobie buong araw.
Nagpunta kami ng playground, naglaro ng mga toys na dala niya saka marami pa!
Kumain kami ng quesadillas. Favorite ni Justin to eh! :( Lahat nalang ng mga bagay sa paligid ko, may alaala ni Justin. haaaaaaaaay.
Add to your private library
My LibraryAdd this story to your public reading lists