This is based on a video i watched a month ago.. I just want to share the positive facts about moving on.
A story of a guy who truly loves his girl but he ended up being hurt and broken..
Sa panahon ngayon.. Uso daw magmahal pero katumbas ng pagkauso niya ay ang masaktan..
Ang daming nagtatanong:
Paano nga ba mag MOVE ON?
Paano nga ba makakalimutan ang isang taong minahal mo nang higit pa sa buhay mo? Yung taong nagpapaligaya sayo at malapit na sa puso mo.. at yung taong kasama na sa mga pangarap mo..
Ang sakit na napunta lang sa wala ang mga pinagsamahan niyo.. At napako lahat ng mga pangako niya sayo..
Ang Hirap! Ang hirap hirap lalo na at gusto mo siya pero siya, ayaw na niya..
Gusto mo siyang ipaglaban pero gusto ka na niyang hiwalayan..
Umabot pa sa puntong ayaw ko nang kumain..
Minsan pa nga, dinadaan ko na lang sa pagtulog para matahimik ..
"INSOMNIA", lagi ko siyang iniisip pero hindi naman niya ako iniisip. Puyat ako palagi..
At sa tuwing naaalala ko kung gaano ko siya kamahal, naaalala ko din lahat ng sakit..
Ganito ba talaga sa isang RELASYON?
Bakit laging may nasasaktan? May naiiwan at may nang-iiwan..Akala mo siya na pero sasaktan at iiwan ka din pala..
Hindi ba masakit yung tipong pinaasa ka, niloko, at pinagmukha ka pang tanga?!
Isa lang naman ang dapat gawin eh.. MOVE ON!
2 na salita, 6 na letra, pero MAHIRAP PANINDIGAN..lalo na kung ikaw ang mas nagmahal pero hindi mo alam, sasaktan ka lang pala.
Ang sarap ng feeling kapag INLOVE.. parang nasa HEAVEN..
pero..
Ang bigat ng katumbas, para ka naman nasa HELL..ang sakit na hindi mo alam..
Ikaw nga nila.. "Love is like Heaven but hurts like Hell!"
At hindi naman talaga ako nagbago.. Natutuo lang ako..
Hindi naman kasi pwedeng habang buhay akong magpapakatanga para sayo..
Sabi nila, wala naman daw talagang MOVE ON eh, nasanay ka lang sa sakit, pero mayroon.
Akala ko pa nga dati, hindi ako makakapagmove on.
Akala ko hindi na ako magiging masaya, pero mas naging masaya ako ngayon, hindi kasi ako nawalan ng PAG-ASA.
Tinanggap ko lahat ng dapat tanggapin na kung wala na siya, wala na talaga siya..
Ginawa ko ang mga posibleng paraan na pwde kong gawin na wala siya..
Noon, madalas na atensyon ko, binigay ko sakanya.. pero ngayon, sumasama na ako sa mga kaibigan ko dahil alam kong andiyan sila palagi para sa akin..
Iniisip ko yung mga happy moments ko noong mga araw na hindi ko siya kasama. Lahat ng mga bagay na nagpapaalala sa kanya, itinago ko na. Hindi ako nagmadali para kalimutan siya.. Hindi rin ako nagwaldas ng pera ko sa kaiinon ng alak dahil wala rin namang magagawa 'yon. At lalong hindi ako nanggamit ng ibang tao para makalimot dahil alam kong makakasakit lang ako.
Hindi ko sinubukang maghiganti at magtanim ng sama ng loob sakanya.
Hindi ko inisip na magisa lang ako dahil alam kong marami pa akong kaibigan at makikilala, na nandiyan ang Diyos para sa akin, tutulungan niya ako, at hinding-hindi niya ako iiwan, at alam kong ibibigay din ni Lord sa akin 'yong taong nakalaan talaga para sa akin.
'Yong taong: Hindi ako iiwan at hindi ako sasaktan..
Binago ko ang sarili ko at inilaan ko ang oras ko sa pag-aaral at pagnenegosyo.
Inaamin ko.. Hindi naman talaga ganoon kadali makalimot, lalo na kung mahal na mahal mo, pero kung hindi ko susubukan, hindi ko mararanasan..
At kung hindi ako nasaktan, wala akong matututunan..
It;s better if we just let it go. Alam ko kasi na sa paglipas ng panahon, magbabago ang lahat..
At mas gagaling ako kung sarili ko naman ang mamahalin ko..
Just forgive and forget..
Dati I'm BITTER, pero ngayon I'm BETTER..
Kung ako nakaya ko, sigarado akong makakaya niyo rin..
Hwuag mo lang itong basahin, isapuso mo at gawin mo. KAYA MO 'YAN!
MOVE ON! BE HAPPY! ENJOY LIFE!
*END*
Add to your private library
My LibraryAdd this story to your public reading lists