Chapter Fifteen

303K 2.8K 311
                                    

  

Minulat ni Lawrence ang mata, medyo naalingpungatan sya dahil sa sinag ng araw na dumampi sa mga mata nya. Bukas pala ang kurtina sa kwarto nyo kaya ang liwaliwanag. Binuksan niya ang mga mata, napatinign sya sa paligid. Nagtaka sya, bakit para atang wala sya sa bar? Di ba nga naglasing sya kagabi at biglang nakatulog? Paano sya napunta dito sa bahay niya?



Bigla naman niyang naramdamang sumakit ang ulo niya. Yung para bang tinuturnilyo yung ulo niya, masakit. Napahawak sya dito.



"Arghhh!" Sabi ni Lawrence habang hinihimas ang ulo. Napatingin sya sa gilid niya, may nakita siyang baso ng tubig tsaka isang gamot. At dun sa baso may nakalagay na sticky note. Kinuha niya ito at binasa.



Inumin mo. Alam kong masakit ang ulo mo ngayon. Sa susunod kung maglalasing ka sa bahay na lang okay? Ang bigat mo kasi eh. :) -Nee



Napangiti si Lawrence sa nabasa nya. Di niya akalain, na miske tatanga-tanga minsan ang asawa pwede rin naman pala to gumamit ng utak. Si Noneen pala ang nagdala sa kanya dito, nakakatuwang isip. Alam niya kasing walang tiyaga ang asawa at mabilis maubos ang pasensya nito pero kahit ganun napagtiyagaan siyang buhatin nito at iuwi sa bahay nila. 



Kinuha niya ang cellphone tsaka nagtype.



Mabagal na naglalakad si Noneen sa hallway ng campus nila habang hinihimas ang balikat. Iniikot-ikot nya ito, paano kasi medyo sumakit dahil sa pagbubuhat kay Lawrence. Ang laking tao kasi eh.



"Ahh, di ko na talaga gagawin yun. Ang sakit nang balikat ko. Huhu." Sabi niya sa sarili. Recess nila ngayon, at ewan ba nya hindi niya mahagilap ang kaibigan kaya eto magisa lang siya. "Bwisit talaga yung gurang na yun." Bigla namang nagvibrate ang phone niya, kinuha niya ito mula sa bulsa niya tsaka binuksan.



From: Lawrence Gurang Sungit  -____-

Thanks. Gumagamit ka pala ng utak minsan. :)



"Magpapasalamat ka na lang, manlalait ka. Huh, ibang klaseng gurang ka rin no." Sabi ni Noneen habang nabasa ang text pero miske ganun napangiti pa rin siya. Minsan lang kasi magpasalamat ang asawa sa mga ginagawa niya. Sinara niya ang phone at nilagay sa bulsa. Umupo sya sa bench malapit sa locker room. 



"Kamusta naman ang shopping mo sa ibang bansa?"

We Are Married?! (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon