Chapter58: Gone and there

384 19 26
                                    

Hi!p;

4am na. Tagal kong magtype ng ud. Tinatamad na kong iedit. Pwede na to, arte ng wattpad eh. So ayun. Goodnight~ Hahaha. Eh kasi, hihi. Kamusta mga fre? Balita ko galit nag alit kayo kay chase ah? Wala naman ginagawa yung baby ko. Huhuhu. Kalma lang kayo okay? Marami pang chapters ang darating. Di natin alam kung sino kay chase at fem ang end game. Malay pa nga natin si mikko di ba? O kaya may bagong lalaki. XD hahaha. Oh, matagal akong mawawala. Or try kong ipush yung signal sa binitagan. Hihi. Wag kayong magagalit sakin sa ud ko. Ge, bye.

Blessed week guys. Pray - Lay :)

__________________

Pagkagising na pagkagising ko, hinanap ko agad sya. Pero wala sya. Wala na naman sya. Oh God, hanggang kailan ba ko maniniwala? Tears were starting to fall right out of my eyes pero pinigilan ko. There's no way in hell na hahayaan kong bumalik ako sa dating Ericka na sobrang hina.

Kahit lambot na lambot ako, lumabas ako ng kwarto. Kagabi pa ko walang kain ng matino. Gutom na gutom na ko. Habang palapit ako ng palapit sa kusina, pabilis ng pabilis yung tibok ng puso ko. Please... please tell me na wala si fem dun.

Ayoko na syang makita.

Dahan dahan kong sinilip yung kusina at nakita ko sya. Naka apron sya, nakaharap sa kalan... nagluluto. Naalala ko bigla yung nung dati. Yung pupunta sya dito sa bahay pag masakit yung puson ko. Ipagluluto niya ko, kahit corned beef lang yun pakiramdam ko five star restaurant kami kumakain. Kahit paulit ulit, masaya sa pakiramdam sa tuwing inaalagaan niya ko.

Ah, stop Ericka.

Umiling ako and tried to erase the thoughts in my head. Tumigil ka Ericka, walang sense ang pagbabalik tanaw mo sa mga nangyari dati.

"anong ginagawa mo dito?"

"Uyyy. Gising ka na pala."

Humarap sya sakin tapos nginitian niya ko. PAgkangiting pagkangiti niya sakin, naramdaman ko na para bang tumalon yung puso ko. Shit. Anong kalokohan to?

"Uulitin ko yung tanong ko... anong ginagawa mo dito?"

Humarap ulit sya sa kalan and continued whatever he was cooking.

"Pinagluluto ka."

Di ko alam kung bakit pero nag init yung ulo ko. Pinagluluto ako? Nandito sya para ipagluto ako?

"Ginagago mo ba ko?"

"Kailan ka pa natutong magmura?"

Nakatalikod pa rin sya sakin. I could feel my temper rising up pero kinontrol ko yung sarili ko.

"Magmula nung ginago mo ko."

Nakita kong natigilan sya sa ginagawa niya pero pinagpatuloy niya lang ulit.

"Upo ka na.. maluluto na to."

Gusto kong kunin yung kawali at ihampas sa kanya. How could he act so normal!? Six years.. six years syang nawala for crying out loud!! Pinatay niya yung kalan tapos nagsimula syang maghain habang ako, nakatayo pa rin at nakatingin sa kanya. I still just can't believe it. Six years of believing na wala na sya, na patay na sya but here he is right now... preparing dinner.

Di ko alam kung bakit pero naalala ko lahat ng nangyari sakin nung nalaman kong wala na pala sya. I went through hell. Pakiramdam ko kailangan kong mabuhay araw araw just so I could die. Nabaliw ako, nasaktan ako. At lahat ng yun dahil sa pagkakaakalang wala na sya. Di ko alam kung bakit pero para kong baliw na lumapit sa kanya at kinuha yung kung ano mang hawak niya.

"Ano ba... you are not... you are not coming back! Ayoko. Hindi pwede... tama na!!"

Panay kuha niya ng kinukuha ko sa kanya tapos nakangiti pa sya. Bakit? Bakit sya nakangiti? Ilang beses ko ba kailangang ulit ulitin!? Anim na taon syang nawala.

Till Death Do us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon