Chapter 14

56 3 0
                                    

CHAPTER 14~

Madaling lumipas ang mga araw, lalo na ngayong naging apat na kami na laging magkakasama.

Magkasama sa break sa lunch sa pag-uwi.

Masaya ako sa takbo ng mga araw ko. Kasama ko palagi si Nadine. Pero hindi parin alam ng family niya ang tungkol sa amin.

Okay lang naman sa akin 'yun. Nakakapaghintay naman 'yun eh.

Dito natatapos ang kwentong 'to.

Pero biro lang. Ewan, nitong mga nakaraang araw nagiging palabiro narin ako at saka madalas narin akong tumatawa.

Ang saya ko lang kasama si Nadine. Going 7 months na kami at going strong pa naman.

Oo. Ganyan kabilis ang araw. Parang kailan lang nag-eexam pa ako para makapasok sa school na 'to.

Ngayon 7 months na ako dito. December pala ngayon, at ewan 'tong pakulo ng klase namin na mag-outing raw. Okay lang naman sa akin. Para mawala naman ang mga stress namin sa balat.

Nanlumo nga ako na by class pala yung pagsakay sa bus. Hiwalay tuloy kami ni Nadine at si Prince din at pandak ay hiwalay.

"Hoy damu, usog naman jan oh! Ang laki mo talaga!" tama po kaya. Sa kamala-malasan ko kasama ko pa si pandak at worst magkatabi po kami. Bow. Tapos ang storya.

Pinitik ko siya sa noo. Ang ingay kasi.

"Awooo~ ang sakit non ah! Paganti nga-!" sabi niya sabay lapit sa akin.

Lumayo naman ako sa kanya dahilan para maumpog ako sa bintana ng bus.

"Hahahaha! Ang galing lang, ginantihan ako ng bintana. Apir!" at nakipag-apir po siya sa bintana. Parang tanga.

"Oy damu? Bakit ganun, 'pag si Nadine kasama mo, ang ingay mo?" out of the blue niyang tanong. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana at nagsisimula narin itong umandar.

"Ayaw kong mag-aksaya ng oras sa mga taong pandak!" sabi ko. Gusto ko lang siyang asarin.

"Ang sama mo! Matutulog nalang ako! Hmp." sabi niya saka pumikit.

Huhulaan ko na na sasakit ang ulo niyan dahil sa paggalaw ng bus.

Nagising ako sa pagkakatulog nang makarinig ako ng ingay sa tabi ko.

Yung parang umuungol?

Yung tunog na may nasusuka! Si pandak, parang naiiyak na ewan,

"Damu, paabot ng plastic sa bag ko, dali! Nasusuka na ako!"

Agad ko namang kinuha ang plastic. Baka kung saan pa siya magkalat diyan. Naku!

Inabot ko sa kanya at agad siyang sumuka. Agad naman akong napatakid sa ilong ko. Ang baho talaga!

"Tabi damu! Itatapon ko 'to sa labas!"

Tinapon niya 'yung sinuka niya saka hinilot hilot ang sentido niya. Sabi na eh, mahihilo siya.

Pumukit nalang ulit ako para matulog. Maya maya ay naramdaman ko ang ulo niya sa balikat ko. Hinayaan ko nalang dahil baka masama pa rin ang pakiramdam niya.

"Pare, salamat sa pagbabantay kay Aly ha? Madali lang talagang mahilo 'to. Buti nga magkasama kayo." sabi ni Prince sa akin. Kakadating lang namin sa lugar.

Sa isang resort pala kami pumunta. Ang ganda ng dagat, asul na asul at pinong-pino rin ang buhangin. Naaalala ko tuloy ang sa amin..

May yumakap sa akin sa likod. Humarap ako sa kanya at hinalikan siya sa noo.

I Think I'm Falling (Magically Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon