Previous Page of 2Next Page

Forever Yours [hiatus]

Dedicated to
madieberswag
spinner.gif

CHAPTER 17

[Your Crying Shoulder]

 

Officially, 2nd quarter na namin! YEEEEEEY.

 

Okay. Ang sarcastic ng dating ko... kasi sarcastic naman talaga dapat yan.

 

Ito na yung pinakaayaw kong quarter eh. Hindi naman dahil sa activities ng school, pero lagi akong bumababa kapag 2nd quarter na! GRABE, ang GC nga naman talaga. Ang hirap nga naman kasing maka-keep up sa mga lessons kapag laging may activities, tapos ang hihirap pa ng lessons ngayong quarter!

 

Tsk. Proving sa Geom? More math sa Chem? LECHE LANG! >.<

 

Kahit ba favorite subject ko yung AP, puro memorization yung 2nd quarter! Leche parin. Hahahaha. Pero gusto ko naman yung topics namin ngayon doon eh, tungkol sa Greece at Roman civilization. YEEES!

 

In fact, may homework kami dyan. Gagawa kami ng acrostic na tungkol sa Greece. Homework/project daw namin.

 

Yung mga iba kong kaklase ginagawa nila ngayong Filipino time yung homework na 'yun. Next subject na kasi namin AP. Oh well. Buti nalang tapos na ako dun! :) Ginawa ko na sa bahay, puno pa ng mga kaekekang designs! Of course, prepared ako dun. :D

 

Nahawa na rin kasi ako kay Vince. Lagi kasi siyang overly prepared sa mga homeworks at projects niya. Ayun, kahit ba simpleng homework pa yan, expected na samin na ni Vince yung pinakamaarte yung design. =))

 

Oh yuhh, free time namin ngayon. Wala ang Filipino teacher namin dahil may meeting sila para sa Buwan ng Wika preparations chever. Sana nga araw-araw nalang may meeting sila. Wahahahaha.

 

"Dianne, tapos ka na sa ganito mo sa AP?"

 

OMAYGASH! SI RANDEL MY LABBS! <3

 

"Patulong naman oh. ^_____^"

 

Akala mo ba 24/7 akong andyan parati para sayo? ANO KA SINUSWERTE?!?!?!

 

"Sige. Tapos na naman ako eh."

 

Andito naman talaga ako palagi para sayo eh. Yihiiiiiiiee.

 

Ohwell, ganyan talaga ang pag-ibig. Gagawin mo ang lahat para lang doon sa mahal mo. Basta ba para sa kanya, gagawin mo talaga...

 

"Pano ba gusto mo?" -Dianne

"Teka, dun tayo sa may plantbox."

 

Dun daw kami sa may plantbooooox! :""> Dudungaw kami don. Shet, ako na masyadong OA at mababaw ang kaligayahan. Dudungaw kayo don para sa homework! Eh atleast nakakasama ko siya ng ganito diba?!

 

Edi ayun, tinutulungan ko siya don sa acrostic niya. As if naman may matutulong ako diba? Grabeng pigaan ng utak yung ginawa ko para dun sa acrostic ko, wala na akong maisip para sa kanya. Atleast diba, moral support! Hahahahaha.

 

Kaso echos naman 'tong si Randel. Dun pa pumwesto kung saan andun nakatambay sila Zarah.

 

Awshet, tumingin siya samin. >.<

 

Please naman, huwag kang lumapit dito.


Huwag kang lalapit dito...

 

Huwag-

 

"Randel, di ka pa tapos dyan? AP na kaya next." -Zarah

 

Awsheet. Lumapit nga siya! Thank you very much, moment ruin-er! >.<

 

"Obvious namang hindi pa diba?"

"Bakit hindi ka nagpatulong kay Charizze kagabi?"

 

GRRRRRRRR. SAKIN NA KASI SIYA NAGPAPATULONG! HUWAG MO NA KAMI PAKIALAMAN! Ayyy. Chill lang, Dianne. Yelo lang. YELO!

 

"Eh ayoko."

"Bakit naman?"

"Eh.. baka.. busy siya! Wala naman siyang oras para sakin."

"Sure ka? Sus, lapitan mo lang 'yun."

"Ayoko nga!"

 

EHEM...

 

"Nagtataray lang 'yun, pero sayo lang talaga oras nun."

"Baka may Chris siya.."

 

EHEM...

 

"Ako ang best friend nya! Sinabi kaya niya saking crush ka rin niya."

"WEH? Ayokong maniwala. :P"

(Sa loob-loob ko, halata namang kinikilig 'tong si Randel eh!)

 

EHEM EHEM! ANDITO PA PO AKO!!! Sige, kayong dalawa nalang mag-usap! Wala naman kasi ako dito diba?

 

Nananadya ka talaga 'teh? Pag-usapan ba naman yung issues nila Randel at Charizze sa harap ko? >.< OO NA, AKO NA NAGSESELOS! Gusto ko nang lumayas dito! ANG TAGAL NAMANG MAGBELL!

 

"Teka. Gagawa pa ako ng homework."

"Yan kasi. Di mo alam sinasaktan mo si Charizze."

 

Previous Page of 2Next Page

Comments & Reviews (14)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Media

Who's Reading

Recommended