Chapter 16: Underlying Motives

440 15 15
                                    

CHAPTER 16

[Underlying Motives]

Fast forward na tayoooo.

Lumipas na ang hell week namin. Sa wakas, tapos na rin ang periodicals pati ang Division Achievement Test namin. Nakakabaliw! First exams namin yun ngayong third year. Madali lang naman siya eh, puro multiple choice lang tapos hanggang forty-sixty items pa.

Nacheckan na rin namin yung mga tests na yun. Ayun, mixed results para sakin - may mataas, may mababa. Pero buti nalang, wala akong sobrang babang exam. Nakabawi naman ako sa Theater Class namin, 5 mistakes lang! So far, napasa ko naman yata lahat ng exams ko.

Eh ano na nga ang sunod?

Ibig sabihin... DISTRIBUTION OF CARDS na namin!

Dito ako laging kinakabahan eh, natatakot akong makita yung grades ko! Lalo na sa Theater, Chem, Geom at Physics. Nako, sana naman pumasa ako!

Nakapasok kaya ako sa Top 10 namin? SANA! Ito nga naman kasi ang goal ko. Kailangang ma-maintain ko yung grades at rank ko! Si Vince, sure na akong pasok yan sa Top 10. SUS, SIYA PA! Sa sobrang ka-GC-han niya, imposibleng hindi siya makapasok sa Top!

Mamaya na yung distri namin, kaya cut yung classes namin hanggang 3:00. Syempre masaya ako kasi wala kaming last 2 subjects, pero kinakabahan din ako! Madami kaya matatalino sa klase namin.

"Kinakabahan na ako.." -Vince

"Hindi lang ikaw!"

"Sa tingin mo papasok ako sa Top?"

"Oo naman! Tinatanong pa ba yan?"

"Feeling ko hindi eh."

"Pahumble ka talaga kahit kelan! Ako kaya ang hindi."

Alam ko talaga! Hindi pwedeng hindi siya makapasok sa Top! Oo nga, nataasan ko siya sa karamihan ng perio results, pero may iba pa namang component ha?

"Pustahan, gusto mo?" -Vince

"Sige ba! Coke float sa McDo."

"Kapag nasa top ka, ilibre mo ako."

"Kapag nasa top ka, ilibre mo rin ako."

"Game!"

Grabe kami. Coke float na nga lang, pinagpustahan pa. Pero atleast libre kung sakali diba? Alam naman nating mas masarap ang pagkain pag libre! ;)

Nagloloiter kami sa campus, yung bag namin iniwan namin sa baba habang hinihintay namin yung mga magulang namin. (Loiter talaga ang term, ah? Alam kong bawal yun!)

Edi fine, naglilibot-libot kami sa campus. Yan!

"Halaaa. Ano kaya grade ko sa Geom?" -Vince

"Malalaman mo din yan mamaya."

"Puntahan kaya natin si Sir, tanungin natin."

"Leche ka talaga! GC masyado. Excited??"

"Eh, gusto ko nang ihanda sarili ko."

"Sarili mo pala eh. Edi ikaw lang! Ayoko ngang sumama."

Nakaka-ekek. Hahahaha, grabe naman kasi. Alam ko nang mababa ako sa Geom, ayoko nang pangunahang makita 'yun. Mataas naman kasi yan si Vince eh. Tska as if naman ipapakita yun sa kanya ni Sir, malalaman na rin namin yun mamaya eh. Isang oras nalang, dre!

Bago kasi mag-distribution, magkakaroon muna ng PTA meeting sa classroom. Iinform ni Ma'am sila kung ano yung mga nangyayari sa klase namin blah blah blah. Nako, ano kaya ang masasabi naman niya? Ang hirap-hirap kaya ng subject niya, natural talagang mahihirapan kami!

Forever YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon