Previous Page of 3Next Page

Strangers In Paradise(on hold)

Dedicated to
vhanie25
spinner.gif

 (CHESIRE'S POV)

 

"Wow, ang dami namang tao dito sa park." Pamamangha ko habang inililibot ung mata ko sa paligid.

 

"Chesire ung bibig mo, baka pasukan yan nang langaw." Natatawang sabi sa akin ni Kyle. "Halatang first time mong nakarating dito huh? Fiesta ngayon dito kaya maraming tao.

 

"Sorry naman. Wala naman sigurong masama kung first timer ako sa pagbabakasyon diba?"

 

"Wala naman, sinasabi lang. Wag ma-high blood." nangaasar na sagot sa akin ni Kyle.

 

Nga pala nandito kami sa Park kami ngayon, di ba sabi ko kahapon kina Lindsay bibili ako ng sim? Ayun ung reason kaya nandito kami ni Kyle. Hindi daw pwede si Lindsay kasi may mga aasikasuhin siya kaya pumayag na ako na si kyle na lang ang kasama ko. Hindi ko din naman alam ang papunta at pabalik sa resort kahit malapit lang ito.

 

"Nga pala baka magkahiwalay tayo sa madaming tao. Kakailanganin mo to" sabay abot niya sa akin ng isang maliit na card. Ay calling card pala.

 

"Uhm? Para saan to?"

 

"Incase na magkawalaan tayo, wala ka pa namang number. Pag may nakita kang mabait makitawag ka. Para mapuntahan kita."

 

"ahhh ganun ba? sige. Salamat" tapos nilagay ko na ung binigay niya sa bulsa ko.

 

Hindi lang din sim ko ang dinayo namin dito ni Kyle. Plano din daw niyang bumili ng suveniers para kay Lindsay. Dahil madali lang naman ang pagbili ng sim, pinauna ko na siyang magtingin ng suveneirs para kay Lindsay.

 

"Uy dun tayo sa antique shop. Mahilig si Lindsay sa mga antique at mukhang antique na bagay." sabay hila sa akin ni kyle papunta dun sa stand na nakita niya.

 

Wow ang daming antique na bagay dito huh? Merong mga lumang libro, salamin, suklay, telephono at marami pang luma na collector's item.

 

Meron ding mga accessories na kinulayan ng dirty gold para magmukhang luma. Ang gaganda nung mga accessories. Ang nakatawag pansin sa akin ay ung kwintas na gawa sa G Cleff. Ang cute nun, kaso 300 di keri ng money ko eh saktong pangbili lang nang sim ang dala ko.

 

"gusto mo ba niyan? Bibilhin ko para sayo." biglang lapit sa akin ni kyle. Nuh ba yan kala ko ba nasa loob pa ito.

 

"A..ah eh wag na. Di naman ako mahilig sa necklace."

 

"Naku naman nahiya ka pa." Tapos kumuha siya nung tatlo ng G cleff na necklace.

 

"Teka bakit tatlo yang kinuha mo?"

 

"Syempre para sa ating tatlo. Di ba magkakaibigan naman tayo? Magandang may magkakaparehas tayong suveneirs. Ikakatuwa to ni Lindsay. Wait intayin mo ako dito huh." Tapos tumalikod na siya sakin tapos lumapit kay lola para magbayad.

 

Ilang segundo lang ay nakabalik din agad siya at nagyaya nang maglakad para maghanap ng tindahan ng sim ko.

 

" Oh para sayo. Halika ating isuot sa iyo para malaman nating bagay" Pagaabot niya sa akin nung necklace habang naglalakad.

 

"Wag na. sa bahay ko na lang itatry baka mawala pa."

 

"Ngayon na, para maibalik ko pag hindi bagay. Saglit lumapit ka dito."

 

Napahinto ako sa paglalakad dahil sabi niya. Inferness ang kulit niya huh.

Ayun habang nakaharap sa kanya, Nilagay niya ung kwintas sa leeg ko habang hawak ko sa left side ung buhok ko. From the close distance, naaamoy ko ung pabango niya. OMG. Bilisan mo! At pinagpapawisan ako sa ginagawa mo.

 

"Ayan tapos na." tapos lumayo siya ng konti sa akin para tingnan ung itsura ko na suot ung kwintas.

 

"Ok ka lang ba? bakit parang namumula ka?"

 

"h..Ha?!" Tapos tumalikod ako saglit sa kanya at tinapik-tapik ung pisngi ko. saka humarap sa kanya. "O..Ok lang ako."

 

"Ahh Alam ko na." tapos tumawa na siya. " Don't worry hindi ko na ulit gagawin un. Nga pala bagay sayo ung kwintas" at nagsimula na siyang maglakad.

 

Huh? anong ibig sabihin niya na alam niya? Alam niya bang kinilig ako dun sa ginawa niya? sus hindi naman siguro.

 

"Ui kyle intay lang." tawag ko habang hinahabol siya sa paglalakad.

 

"Sorry naiwan atta kita."huminto siya at lumingon sa akin. "May nakita ka na bang  tindahan ng sim?"

 

"Wala pa." tapos nagsimula na kaming maglakad. Habang naglalakad kami napahinto ako, May nakita akong isang magandang booth na gusto kong itry." Ui kyle daanan muna natin un." sabay hila ko kay kyle.

Previous Page of 3Next Page

Comments & Reviews

Login or Facebook Sign in with Twitter
Vote library_icon_grey.png Add

Who's Reading

yssaw19 secretlyprincess lalice0610 vhanie25 pauieee DanVeraMercado

Recommended

My Tambay PrincessShe's dating the gangster ( full . story / back again ) (ON-GOING)LiarsHow to Deal---Chapter 15