Chapter XXI

90.3K 1.1K 144
                                    

[21] The Time And Space

 

-Audrey-

 

Umikot-ikot ako sa kama ko at nagpagulong-gulong. Hindi ako mapakali at patuloy na umuulit sa utako ko ang sinabi nya kanina.

“No, you don’t, Audrey. You love the idea of being in love. I am a challenge to you. You get all the things that you want and everyone likes you but not me. You only love the challenge. Stop chasing me, Audrey.”

“Forget everything that happened today. Forget about me.”                 

 

Pakshet sya, sa tingin nya ganun lang kadali ang lahat-lahat? At pa-isang pakshet pa dahil sa tingin nya na ang nararamdaman ko sa kanya ay isang laro at challenge lang. Halos buong buhay ko sya lang ang minahal ko tapos challenge lang? Pakshet ulit.

Saka sa tingin nya ganun lang kadali kalimutan ang lahat? Ang kalimutan sya? Matapos ang paggamit nya sa akin, ganun lang? Pakshet talaga.

Naisipan kong mag-open ng facebook account ko. Di kita titigilan, Duke Emmanuel dela Vega. Itaga mo sa lahat ng bato, papatunayan ko na mahal talaga kita.

Nag-status ako at talaga tinag ko pa sya. Sisiguraduhin kong hindi kita papatahimikin hanggat hindi ka naniniwala sa akin.

Papatunayan kong seryoso ako. Mark my word, babe. --with Duke Emmanuel dela Vega.

 

Huminga ako ng malalim at tumitig sa pink na pink kong kisame. Talagang dapat maghanda si Duke my loves sa mga gagawin ko. I will get him by hook or by crook.

*

Day 2 ng school fair. Usap-usapan ng mga Royals ang post ko kagabi. Pati nga si Kuya sinermunan ako. Masyado talaga syang epal kaya di ko nalang pinansin. Busy ang lahat at yung mga kakilala ko tinatanong ako kung ano ba daw problema ko kay Duke. Pinagkikibit-balikat ko nalang.

May plano kasi ako ngayon at kailangan kong siguraduhin na maniniwala sa akin si Duke. Papatunayan ko sa kanya na mahal ko talaga sya at hindi ang challenge na pinuputok nya.

“Papasok ka ng NorthU? Bad girl.” bulong ng isang lalaki sa akin na nagpatalon sa akin sa gulat. Sinamaan ko sya ng tingin nung makita ko kung sino yun. Panira sya ng plano, nagising tuloy yung guard na iidlip-idlip pa.

“Kieth, may lahing mushroom ka ba? Aminin mo na, promise hindi ko ipagkakalat. Leche ka, bigla-bigla ka na lang sumusulpot.” sarkastikong sabi ko sa kanya at inirapan sya. Aba! Ang magaling na lalaki, tinawanan lang ako.

“Tss, oo na inaamin ko na. Hindi ko na kasi kayang itago. Grabe sobrang gwapo ko. Alam ko namang hindi na nakakagulat yun kas--”

Hindi ko na sya pinatapos at nagwalk-out na ko. Wala talagang magandang naidudulot si Kieth kapag nagkikita kami. Kailangan kong gumawa ng paraan para makapasok ng NorthU, bakit ba kasi sinarado yung gate na dinadaanan ko sa likuran. Kainis!

The Chase and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon