Previous Page of 2Next Page

BAKIT BABAE ANG NAGHUHUGAS NG MGA PINGGAN?

spinner.gif

 

LIGHTS ON

(Nakatayo si Ka Ugong sa likuran ng mesa habang nakaupo naman si Ka Maldang sa kaliwang bahagi nito)

Ka Ugong: hindi na ako maghuhugas ng mga pinggan!!

Ka Maldang: at sino?!

Ka Ugong: wag mong sabihing ako? Aba! buong umaga na nga akong nagaararo sa bukid tapos ako pa ang maghuhugas ng pinggan, hindi na ako maghuhugas ng kahit isang pinggan.

(tumayo si Ka Maldang, namaywang at hinarap si Ka ugong habang natatakot sa dulo ng mesa)

Ka Ugong: ikaw (mahina niyang sagot) ikaw ang babae, ikaw ang dapat matrabaho sa bahay.

Ka Maldang: cge nga!!anong gagawin mo?! matapos mong itali yang kalabaw mo sa bukid ay mahihiga ka na lamang, mahirap ba yon?! (malungkot na parang naglalambing naming sasabihin ni Ka Maldang) ako na nga ang nagluluto, naglilinis ng bahay, naglalaba ng mga damit, pati pagbubunot ng sahig, ultimo pagaayos ng kisame ako ang gumagawa. Lahat ng trabaho ng alila, inaako ko na. (mangingilid ang luha sabay sigaw kay Ka Ugong) tapos ngayon, ayaw mo pang maghugas ng mga pinggan!!

Ka Maldang: (tinititigan si Ka Ugong at ang kanyang walis, kinuha ang walis, at akmang hahablutin si Ka Ugong) ikaw! tamad!

Ka Ugong: (sumuot si Ka Ugong sa ilalim ng mesa) teka! teka! wag mo akong paluin! May naisip na akong paraan sa problema natin!

Ka Maldang: sige! labas dyan! sabihin mo ngayon kung anong paraan yang sinasabe mo! (itinago ni Ka Maldang ang walis)

(umupo si Ka Ugong sa tapat ni Ka Maldang)

Ka Maldang: o ano?!

Ka Ugong: alam mo, wag na nating pagawayan pa ang paghuhugas ng pinggan. Daanin na lang natin sa isang paligsahan, bawal magsalita pagkatapos kong sabihin ang salitang umpisa, at ang matatalo ay siyang lagging maghuhugas ng mga pinggan.

Ka Maldang: yun lang? ang matatalo ay ang siyang maghuhugas ng mga pinggan ha? Kasama ng mga palayok at kawali.

Ka Ugong: oo! Kapag nagsalita ka sa akin o kahit ano man, ikaw ang palaging maghuhugas ng mga pinggan.

Ka Maldang: sus! Chicken yan! Kaya kong isara ang bibig ko kahit isang buwan. Ikaw? hah! Hindi! Ultimo kasi kalabaw kinakausap mo.

Ka Ugong: o? game ka na ba?

BLACKOUT

(dance: Eto Na Naman by Gary V.)

LIGHTS ON

Ka Ugong: (nakaharap sa mga manonood) umpisa!

(binatukan ni Ka Maldang si Ka Ugong)

Ka Ugong: joke  lang!

(umupo sila ng tuwid)

Ka Ugong: Umpisa!

(at sila nga ay tumahik. Silay nagtitigan hanggang sa lumubo ang araw at biglang tumawag ang kapitbahay)

Kapitbahay: ( voice over) mareng Maldang! Kumare!

(hindi sumasagot si Ka Maldang)

Kapitbahay: (voice over) pareng Ugong! Kumpare! Mareng Maldang, pahiram ako ng plantsa. Siguro’y walang tao dito. Kukunin ko na lang ang plantsa tsaka ko na isosoli. SFX: footstep (papasok sa stage, mabilis na lumapit sa mag-asawa na parang estatuwa) ano bang nangyayare sa inyo? Kumpare?

(hindi gumalaw si Ka Ugong)

Kapitbahay: anong nangyare sa inyo? (niyugyog ang balikat ni Ka Ugong at lumapit naman kay Ka Maldang) magsalita ka kumare. Anong nangyare? (niyugyog din nya ang balikat ni Ka Maldang)

(itinulak ni Ka Maldang ang kapitbahay)

Kapitbahay: ano bang nakain nyo? (niyugyog ang balikat ng dalawa)

SFX: scary sound (natakot ang kapitbahay, lumabas ng stage at tinawag ang iba pa nilang mga kapitbahay)

(sinubukan ng mga kapitbahay na pagsalitain ang mag-asawa, binalaan ni Ka Maldang si Ka Ugong at bigla itong pumikit, nagagalit si Ka Maldang at matapos ay nagtulogtulugan ito, nataranta ang kanilang kumara at sumundo ng albularyo)

Albularyo: (pumasok ng stage) Sila’y kinukulam! (naglatag ng banig) kayong dalawa ay mahiga dito.

(nahiga si Ka Ugong at natulog pero si Ka Maldang ay hindi aalis sa pagkakaupo)

Albularyo: aha! Ang espirito na nasa loob nya ay matigas ang ulo! Kailangang malabanan ito!

(naglabas ang albularyo ng 9 na dahon ng atis, isang bunga ng areka sa kanyang bayong at kaunting apog sa isang maliit na bote)

Albularyo: ito ang espiritung nawawala sa mag-asawa! (isinubo ang nganga at ng manguya ay binuga sa kanyang palad at minarkahan ng krus ang noo ni Ka Ugong)

(humarap ang albularyo kay Ka Maldang at akmang mamarkahan ng krus ang noo nito ngunit hinila ni Ka Maldang ang hintuturo nito at pinilipit)

Albularyo: aray ko!!! (bumalik naman ang albularyo kay Ka Ugong at paulit ulit sinasabi ang) Magbalik ka Ugong! Magbalik ka!

Previous Page of 2Next Page

Comments & Reviews (44)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended