Chapter 12

181 7 3
                                    

2 weeks ata akong.. walang UD? :(( Sorry ganito lang kasi pagod sa duty eh. Bawi ako next time. Pakibasa po pala yung Author's Note sa dulo ha.

Yung pictures po hahanap muna ako then maglalagay na lang ako kapag may nakita nang cute. :)) Hihihi.

-------------------------------

Chapter 12

Gab's POV

"Huuuuuy! Teka Jacob! Jacoooooob! Sandali!"

Pero hindi na napatigil ng sigaw ko si Jacob. Bakit ba niya kasi basta-basta sinusugod si Carlo?! Selos naman agad siya sa boyfriend ko?! WAAAH! 

JOKE!

Eh kasi! Anubayan! BF vs. Fiancee na ba to?! Aish!

Bago pa makapasok ng bahay si Carlo, hinawakan na siya ni Jacob sa kwelyo, sinabihan ng "G#go" sabay..

*BOOG*

Napatalsik sa lupa si Carlo. Pinunasan niya yung sa side ng lips niya.

"Oh my gosh dumudugo! Carlo are you okay?!"

Kahit alam kong hindi. Hindi naman ako shunga!

Pero hindi niya lang ako pinansin.

"Ano bang problema mo pare?!"

Sinigawan ni Carlo si Jacob. Hind niya kasi maintindihan bakit siya sinugod. Maski ako hindi ko nga alam eh!

"Problema ko?! You! You lil piece of sht!"

Pumunta ako sa pagitan nilang dalawa para na rin makatayo si Carlo. Aish! Nagpipigil lang talaga ako!

Masasampal ko tong Jacob na to!

"Ano ba Jacob! Boyfriend ko siya! What's your problem?! Dapat hindi na lang kita sinama dito eh!"

"Oo dapat hindi mo na ako sinama dito! Dahil mapapatay ko yang--"

"Sino ka ba! Bigla ka na lang susugod dito sa bahay ko eh hindi nga kita kilala! Babe sino ba yan?!"

"Lakas mong maka-babe sa fiancee ko ah!"

Kita kong lumaki ang mata ni Carlo. Oh no!

"Anong sinasabi mo! Girlfriend ko siya gagu ka!"

"Mas gagu ka! May girlfriend ka na pala nakikipagha--"

"Jacob ano ba! Tama na please!"

"Gabby hindi mo alam kung anong mga pinaggagagawa niyang hayup na yan kapag nakatalikod ka!"

"Tama na nga kasi!"

"Niloloko ka niya!"

"Tama na Jacob!"

"He's cheating on you--"

"Tama na sabi eh!"

Pumalatak na lang si Jacob. Tsk! Ako dapat ang mag-tsk noh! Kabwisit to! Makapagimbento ng story akala mo! Haaaay!

"Carlo pumasok ka na. Pasensya ka na. Ako na humihingi ng paumanhi--"

"Ba't ka magso-sorry diyan! Makini--"

"Mag-usap na lang tayo sa susunod Carlo ha. Halika na Jacob umuwi na tayo."

Hinug ko si Carlo. Tapos sumakay na ako sa kotse ni Jacob. Nakarating na kami sa village namin pero hindi pa rin kami nag-uusap.

Nung pababa na ako sa kotse niya, hinawakan niya ako sa braso.

"Gabby.."

"Jacob, please.."

Ikaw Na. Ikaw Pa Rin. Ikaw Lang Talaga. (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon