Another One-shot story galing sa inyong nagmamagandang Author!! SuperMau! =)) HAHAHAHAHA. Binura ko yung mga on-going stories ko kasi, tinamad na po ako. Lols. Di nga. HAHAHAHAHAHAHA.
Basahin niyo ito. Isa to sa mga dulot ng aking magulong imahinasyon. HOHOHOHOHOHOHO. Habang naliligo ako kanina, naisip ko ito. Lols.
Vote if nagustuhan! Comment kayo ah? =)
------------------------------------------------------------------
"HAPPY 18TH BIRTHDAY NIKKA!" nag-wish ako tapos hinipan ko na yung candle.
Yes, 18 na ako. Simpleng party lang yung celebration ng party ko. Hindi siya bonggang debut party. Family, relatives at mga close friends ko lang yung invited. Pressure kasi masyado yung preparations sa mga real debut parties e. Gastos pa. Ayokong abalahin pa sila mama kahit gusto nila na engrande. Saka, di ko rin type yung mga 18 chubaness na yon. Kahit naman simple lang yung pagsecelebrate pwede pa rin maging memorable itong araw na ito e.
Hindi porket di bongga, wala ng karapatang maging unforgettable.
"Dalaga ka na Nikka!" bati sa akin ng isa sa mga best friends ko, si Maya.
"Thank you. =)"
"Nikka. 18 ka na, wala ka pa ring boyfriend. NBSB ka pa rin. Wala ka bang balak mag boyfie?" sabi naman ng isa ko pang bestfriend na si Joanne.
"Hay nako, Joanne! Asa ka pa! Hinihintay pa rin niya kasi si Smiley!" Maya
"Smiley? Sino yun?"
"Si Mac!"
"Maya! Don't mention his name!"
"Kaya nga smiley e."
"K."
"18 ka na nga pala, ngayon na yung taon na yun." Joanne
"Nikka, sure ka bang babalikan ka pa niya? Duh? That was 12 years ago! 6 years old pa lang kayo. May possibility na makalimutan niya na yun! Masyado pa kaya kayong bata nun!"
"Naniniwala ako sa kanya Maya."
"Eh, pano kung hindi ka na niya balikan? Kung nakalimutan ka na niya?" napatingin ako kay Joanne sa sinabi niya. Paano nga kaya?
"Basta, babalikan niya ako."
"Sinabi mo yan ah. Well, buhay mo yan. Bahala ka baka tumanda kang dalaga sa kahihintay diyan sa first love mo" Napa hayy na lang ako sa sinabi ni Maya.
Ewan ko. Pero malakas ang loob ko na babalik siya. Tutupad siya sa pangako niya sa akin.
"Nikka!" tumingin ako sa tumawag sa akin.
"Kuya Niel!" niyakap ko siya. Grabe namiss ko tong pinsan ko na ito. "Buti naman nakarating ka!"
"Siyempre naman! Dalaga ka na e. Happy Birthday!"
"Thank you kuya! Regalo ko?"
"Oh eto." May regalo ako! "Nga pala. Si Mark. Kaibigan ko."
Tumingin ako kay Mark. Parang familiar yung mukha niya sa akin. Ewan ko parang nagkita na kami dati.
"Hi Nikka. Happy Birthday. I'm Mark" nagsmile lang ako sa kanya. Pero yung mukha niya? Walang expression. Ni hindi man lang ngumiti.
"Sige kuya. Kain na muna kayo ni Mark." umalis na sila. pagkasabi ko.
Di ko maiwasang isipin siya, si MAC.
Pumunta ako ng terrace para dun muna tumambay at isipin siya.
Mac, 18 na ako oh? Babalik ka na diba?
Hanngang ngayon, di ko parin nakakalimutan yung saktong pangyayari nung nagkakilala tayo. Alam ko 6 years old pa alng ako nun, bata pa. Pero, sayo ko talaga unang naramdaman ang pag-ibig.
FLASHBACK
Dinala ako ni yaya sa park. Tapos binilhan niya ako ng ice cream. Tuwang tuwa kasi ang sarap ng ice cream. =) Habang nakikipag-usap si yaya sa mga kaibigan niya, nakakita ako ng mamang nagtitinda ng balloons!
Iniwan ko muna si yaya para habulin yung mga balloons. Ang cute kasi iba iba sila ng shapes.
Tumakbo ako para maabutan yung nagtitinda. Hindi ko namalayan na may malaking bato na nagdulot upang ako ay matapilok.
Pinikit ko yung mga mata para hindi ko makita yung pagbagsak ko sa lupa.
Add to your private library
My LibraryAdd this story to your public reading lists