His Personal Wife - 14.

325K 5K 1.3K
                                    

Dedicated to him. Oy salamat sa lahat ma'friend! Hahaha! Grabe sobra mo rin akong pinangiti sa pagchicheer-up mo sakin. I realized na maswerte ako kasi nandyan ka for me. Teka ang drama, hahaha. Basta thank you a lot! Mwa!

Thanks rin kay Ate Denny, Ate Aly, Ate Dom, Ate Claire, Ate Trins, Eydee, Bonny, Mira, Rayne, Kat, Ate Roma, Ate Miq, Adee, Gabrielle, Kim, Jane, Ate Caryl, Ate Mara, Kuya Soju, Kuya Alek, Grei, Renatz at madami pang iba na nagcheer-up sakin nung alam niyong down na down ako. I love you all sagad.

Daming naging Team KathQuen bigla? Paano na Team KathNiel?

-----------------------------

CHAPTER 14.

KATHRYN'S POV

TAGAYTAY: FIRST DAY

BREAKFAST

"Goodmorning--"

"Goodmorning guys!" napatingin ako kay Bea na kasunod kong bumaba ng hagdanan. Tinaasan ko siya ng kilay. Ah ganon? Di niya ako pinatapos mag-goodmorning? Psh.

Buti na lang morning pa lang. I'm a morning person kaya masayahin ako usually. Kaso kapag nandito si Bea. Ugh. No comment.

"O Kath, Bea. Tapos na pala kayo mag-ayos. Sa labas na tayo kumain girls." sabi ni Quen habang may dala-dalang kitchen utensils.

Teka? Nasaan si DJ? Ah baka nasa labas na.

Lumabas na rin ako kasabay ni Bea at ayun nga, nakita namin na kakaset-up lang ni DJ ng table. Galing naman ng fiancee ko! Tapos si Quen nag-aayos ng pagkain.

Napatingin bigla si DJ sakin, saka binaba yung suot niyang shades at nginitian ako. Napangiti na rin ako at lumapit sa kanya.

"Hi. Goodmorning." sabi ko.

Niyakap niya ako ng mahigpit sabay bulong sa tenga ko ng. "Goodmorning beautiful."

Aaaaaaaah! Pwedeng magsisigaw? Kinikilig ako! Huhuhu.

Bumitaw naman kami kaagad at hinawakan niya na lang kamay ko. Hinila niya na ako papalapit sa table. Nakaupo na si Quen sa may dulo.

Umupo na si DJ sa isang seat. Uupo na sana ako sa tabi niya kaso biglang umupo si Bea.

His Personal Wife - Book 2.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon