Previous Page of 3Next Page

Destined Hearts [REVISING]

spinner.gif

A/N: Vote and Comment always ha? Yey! Thanks. Happy 11,000 + reads DH! Labyuu all :* Short Update :) Dedicated kay sis Jonah. Basahin niyo yung story niya na 'Infinite Band' Maganda :-bd

 

 

Zoe's POV

Club meeting today!! \(^O^)/ Excited na kasi ako sa mga plano nila. Tsaka first time ko kaya mag-organize ng ganitong event! Though, may makakasama akong asungot, pero... Ok lang. He's not that bad after all :)

 

After the party, back to normal kami. Normal? Normal as in asaran, bangayan, sapakan. Joke lang yung sapakan. HAHA. Ako lang pala gumagawa sa kanya nun ^___^v

 

Woooh! Ang dami pa pala naming kailangang gawin! I mean, marami pa SILANG kailangang gawin. Eh kasi naman, magfafacilitate lang kami, which means, mag-uutos lang kami ng mag-uutos. Pero, kami parin ang kailangan mag-isip ng concept ang other things para sa fest. Though matagal pa siya, kailangan kasi prepared.

 

"Hoy! Ang saya mo diyan ah. Pakinig kinig ka lang ng music. Ayos ka din noh?"Sabi ko sa kanya. Pero di naman niya ako narinig. Sabi ko nga! May ear phones siya =.=

Hinila ko yung earphones sa tenga niya at nagsalita ng malakas sa tenga niya."HOOOOY! BINGI KA BA? BINGI KA BA HA? HA? AYOS KA AH! AKO LANG ANG—"


L—lumingon siya bigla sa a—kin. Bale, magkatapat ang mga mukha namin ngayon. *gulp* ang close namin. I need space. Pero di ako makagalaw. Nakatitig lang ako sa mukha niya. Feeling ko namumula ako >.<

 

Lumapit lalo yung mukha niya tapos umaatras naman ako. Sht. HE'S TEASING ME AGAIN. Sabi ko na eh.

 

Umiwas na ako ng tingin at ibinanaling yung mga tingin ko sa mga papel na hawak ko kanina. UGH. Kainis siya! Bigla-biglang lilingon! =.="Hoy! Mag-isip ka ng booth para sa mga seniors."Sabi ko ng di lumilingon sa kanya tapos inaabot ko yung papel sa kanya pati ballpen.

 

Di ako lumilingon sa kanya. Awkward kaya! Nakikita ko naman sa peripheral vision ko na nakangiti siya tapos umiiling iling pa. ABA, ayos yun ah. Langya, naiilang na nga ako dito eh.

 

Patuloy lang kami sa ginagawa namin ng hindi nag-uusap. Ang hirap naman ng ganito -____- Parang timang lang, di kami nag-uusap, tanguan lang tapos kalabitan lang. Para kaming mga pipe. Biglang lumapit si Miss Rhia sa amin. 

 

"Pag-usapan niyo na pala kung sino ang mag-eedit ng mga kailangan nating graphics for the event. Pati na rin pala yung mga class divisions. Kung anong section ang naka-assign sa ganito, sa ganyan." Tumingin si Ma'am dun sa listahan ng booths na naisip namin ni Storm. Tapos tumingin siya ulit sa amin.

 

"May problema ba kayo? Bat di kayo nag-uusap?" She said then, she smiled. Goooosh. Nang-aasar si Ma'am. "May LQ kayo?" Nanlaki ang mga mata ko dun ah! WHUUT? LQ? We're not even lovers! 

 

"Ma'am naman! Di po kami—" 

 

"Eto kasing si Zoe, ang arte. Tss." Sabi niya. Ako ang maarte? Duuuh! Di kaya. Well, konti pero, bakit naman niya ko sinabihang ganun?

 

"What? Me? Maarte? Hindi ah!" Sabi ko naman sa kanya, cross arms pa ako niyan. Siya naman nakaupo tapos nakapatong yung paa niya sa isa pang upuan. Pa-cool pa siya! Walang respeto sa teacher. -___- "Tss." Nag-smirk siya, and I know that smirk. MAY PLANO SIYA.

 

"Hoy, wag mo kong ngitian ng ganyan. May pinaplano ka na naman noh? Magtig—"


"Ma'am kasi inaaya ko lang naman siya mag-date pero ayaw niyang pumayag. Ma'am sabihan mo nga yan." O____O ANUDAWWWW?! Ramdam kong namumula yung mga pisngi ko. Ano ba? >///< 

 

"Nako naman, Zoe ikaw pala eh! HAHAHA. Pumayag ka na, tignan mo naman yang boyfriend mo oh, naglalambing sayo. Yiiie! Ikaw ha. Haaay, maiwan ko na nga kayo. Make sure matatapos niyo yan by 6 pm ha? Nako. Ang cute niyo!" Walanjooo. Pati ba naman si Miss Rhia? Kainis.

 

Nilingon ko siya. Nakasmile parin siya. "Anong problema mo?" Tanong ko sa kanya. Nakangiti siya, inaasar na naman niya ako. "HAHAHAHAHAHAHAHA!" Bigla siyang tumawa. Sobrang lakas. Sht. Nakakahiya siya.

Previous Page of 3Next Page

Comments & Reviews (13)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Cast

Kathryn Bernardoas Zoe Angela Rivero
Daniel Padillaas Storm Ray Vasquez
Kirbyas Kirby Michael Vasquez
Louraineas Louraine Kaye Padilla
JC Padillaas Nathan Stephen Dela Cruz
Julia Montesas Chelsea Cheever
Kristofer Dangculosas Kent Guzman

Who's Reading

Recommended