FQ1 ♥ 3: Unfinished Battle
“Esca, hatid na kita.” – pamimilit na sabi sakin ni Anica, kulit talaga nitong babaeng to.
“Mauna ka na.” – ako, dadaan pa ako sa park
“Umuwi ka kaagad ha?” – Anica, daig pa nanay ko. =__=”
“Oo, ingat sa pagmamaneho.” – ako, inintay ko muna siyang lumiko sa may kanto bago ako naglakad.
Tumingin ako sa wrist watch ko, mag 5 na pala. Kamusta kaya ang meeting nina Fourth? Dumaan muna ako sa 7 eleven, bumili ng Hotdog at Tanduay Ice, mamaya na ako uuwi pag sigurado akong tulog na sina Lola.
Naglakad ako papuntang Park, isa to sa lagi kong tinatambayan. Dito ako nakakapag pahinga ng ayos na walang inaalala. Umupo ako sa isang bench, inubos ang aking Hotdog at Tanduay Ice bago humiga at nilagay ang earphones sa tenga.
After 10 minutes, tumayo na ako. At pumunta sa talagang pupuntahan ko, pero bago yun. Tinagtag ko muna ang eyeliner ko.
“CC?” – tumingin ako sa likod ko, at nakita ang matandang nasa 50’s na. Lagi ko siyang nakikita dito.
“Tatang.” – ako, sabay bless sa kanya.
“Tagal mo ng hindi napunta dito ah, lalaro ka ngayon?” – tatang
“Matagal na nga ho e, opo. May kalaban na ba kayo?” – ako, magalang kasee ako, sa kanya. = u =
“Meron na e, umupo ka na lamang sa iyong bench baka may maglakas loob na kumalaban sayo.” – natatawang sabi ni tatang
“tatang naman, parang ang sinasabi niyo ay walang may gustong makipaglaro sakin.” – ako
“HAHAHA! Ineng, wala ng gustong makaranas ng pagkatalo dahil sayo. HAHAHA- *cough cough*” – inalalayan ko si tatang sa kanyang bench, mag naghihintay sa kanyang lalaking nasa 40’s na.
“Tatang, handa na ba kayong matalo?” – yung lalaki
“Iho, masyado kang mahangin, tara na at tayo’y maglaro na.” – tatang, napailing na lang ako. Kahit matanda na si tatang di man lang bumababa ang confidence ha.
Pumunta na ako sa bench ko, lahat sila naglalaro na. Aish, ngayon na nga lang ulit ako pumunta dito baka wala pa ako makalaro. Gabi na, ang ilaw lang dito ay ang ilaw na nasa likudan ko, madilim sa pwesto ko baka akala nila walang tao. Ipinatong ko sa table ang ulo ko.
*sighs*
“excuse me.” – parang naparinig ko na ang boses na yun a? -_- san nga ba?
“what?” – say ko habang hindi pa din tinataas ang ulo.
“Gusto mo maglaro?” – siya, bigla akong napatingin sakanya. Naka fit graphic tee siya kaya kitang kita mo muscles niya. Black pants na nakadagdag ng appeal sa kanya, naka close cap na Superman at naka shades. May matangos na ilong at sexy-soft-looking-lips. Lips?! Pinansin ko ang lips niya? =o= Ang hormones ko na-cucurious na naman. Pero weird ah, gabi na pero naka shades.
“Alin ang sayo? Black o White” – tanong niya tapos umupo na sa tapat ko. Buti na lang mukhang hindi niya nakikita ang itsura ko, kasi baka makita niyang nagnanasa ako sa kanya… Pero joke lang yun.
“Head or Tail? Head is White, Tail is Black.” – ako, sabay kuha ng sampung piso.
“Tail.” – siya, hindi ko na tinoss yung coin, inabot ko sa kanya lahat ng Black Piece
“Bakit hindi mo tinoss yung coin?” – nagtatakang tanong niya
“Kaya mo pinili ang tail dahil gusto mo yung Black diba?” – ako, sabay ayos ng bishop ko
“Pano mo nalaman?” – siya, habang inaayos ang kanyang pawns. Weird, bakit ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya. -___-‘’
Nagsimula na kami maglaro ng chess at habang tumatagal lalo akong naiiyamot. Bawat galaw ko, may counter move siya. Ngayon lang ako tumagal sa laban ng ganito, nakaka excite na nakakaiyamot.
“Akala ko magaling ka lang sa Sex.” – bulong ko sa hangin
Add to your private library
My LibraryAdd this story to your public reading lists
| Jiyeon (T-ara) | as Chesca Chavez (Uno) |
| Kim Jaejoong | as Chase Dela Vega |
| Suzy (Miss A) | as Hanna Nica Browne (Dos) |
| Gwak Min Jung | as Spencer de Roxas |
| Dara (2ne1) | as Jane Arlene Alvarez (Tres) |
| G-Dragon (Bigbang) | as Ethan Fuentes |
| Dianna Agron | as Ashlynn Meyer (Fourth) |
| Alex Pettyfer | as Jake Craig |
| Taylor Swift | as Veronica Wolfe (Fifth) |
| Jesse McCartney | as Matt Greenberg |
| Yoona | as Claire Perrin (sixth) |
| Taeyang (Bigbang) | as Heath Kevin Cross |