CHAPTER 2: Day 2

710 17 13
                                    

Kinabukasan. Sa bahay ni Kenneth, mula sa panonorpresa namin dun sa babaeng gusto nung tropa naming si Khritian. Aksaya sa pera, naku. Pero buti na rin, hindi ko nakita yung babae na yun sa buong araw na 'to eh.

Sa'ming magt-tropa, dalawa pa lang ang may seryosong lovelife. Si John David at si Khritian. Si Martin kasi paiba-iba pa ng girlfriend. Yung ibang tropa, tulad ko, kuntento na sa buhay.

"Mga pare, paano ba maging boyfriend?"

Bigla silang parang nasamid lahat. At halakhakan nalang ang sumunod kong narinig. Kahit ako nagulat na naitanong ko 'yon. Pero kasi, kahit naman peke pekean lang yung isang buwan, nakaka-wala naman ng pogi points kung wala akong alam na kahit na ano.

"Vinz, don't tell me. Seryoso talaga 'yan?" patawa tawang pang-aalaska ni Martin.

Isa pa 'tong si John, "Dude. Totoo ba talaga? Girlfriend mo na yung si Mae?"

"Hoy ano ba kayo! Hindi kayo marunong sumuporta sa inlove nating kaibigan!" sabay akbay pa sa'kin ni Khritian.

Poinks. "Aray!" sigaw ni Khritian nung kinotongan siya ni Kenneth.

"Kunwari ka pa, porket inlove ka rin" sabi niya kay Khritian. "Pero pre, seryoso nga?" namumula mula sa katatawang tanong rin sa'kin nung damuho.

"Mahalaga pa ba kung seryoso ako? 'Di ba magaling kayo sa babae!? Ngayon niyo gamitin mga alam niyo! Nang magkakwenta naman pagiging chikboy niyong mga hayup kayo!" sabi ko sa kanila.

"Relax pare, relax!"

"Simple lang naman 'yan!"

"Oh sige nga, pano?" tanong ko sa kanila.

Katahimikan.

"Psh. Salamat sainyo ha, ang lake ng tulong niyo."

"I-inom nalang natin 'yan. I-celebrate muna natin yung pagsagot sa'kin ni Anilex. Malay mo sa susunod na celebration, ikaw naman" sabi ni Khritian.

Celebrate? Ang ano? Imposible. Di ko naman kasi talaga girlfriend yun no! There's nothing to celebrate. Nakakahiya lang na wala kong alam kung pano maging boyfriend! Yun lang yun. Pero ano ba kasing pake ko kung wala akong alam. Ano naman? Eh wala pa naman kasi akong experience. Tss. At bakit ba pinoproblema ko 'to? Hay ewan ko!

Nang maka-uwi na ko. Bigla ko'ng naalala yung sinabi ni Kenneth, "Yung mga nakaraan kong flings, madali lang pasayahin. Natutuwa na sila kapag tinetext ko sila ng sweet messages. Gusto rin nila kapag tinetext ko sila kahit kakahiwalay palang namin. Kung nakauwi na ba sila. Mag ingat sila. Sabay I love you, kahit hindi mo mahal! Ganun lang yun!"

Hm? Wala naman sigurong masama kung itetext ko siya?

To: Unregistered number

Nakauwi ka na ba? Mag-ingat ka.

Ayan. Okay naman na siguro 'yan? Asal-boyfriend naman na siguro ako sa lagay na 'yan. Matatahimik na ang kaluluwa ko. Ayos na. Ayos na ako.

Unregistered number: Salamat boyfie! Walang pasok bukas, date tayo alright? Mag coffee muna tayo sa Ground Up Café. You know, I really like the smell of coffee, so much. Let's meet at 3pm?

Ako: May laro kami ng tropa bukas. Hindi ako pwede. Iba nalang yayain mo.

Unregistered number: Anong iba? Ikaw ang boyfriend ko, bakit iba ang yayayain ko. Hihintayin kita dun, 3pm. Di ako aalis dun hanggat wala ka.

Ako: Hindi ako dadating, bahala ka. Yung tricycle driver nalang yayain mo.

Unregistered number: See you. Goodnight.

Yun na yung huli niyang text. Bahala nga siya, di ako pupunta.

A Dare To Remember (PUBLISHED under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon