Chapter 36: Isang Babae Lang

1K 24 3
                                    

Isang oras na akong paiba-iba ng puwesto sa kama ko dahil hindi ako makatulog. Masyadong binabagabag ni Chance ang isipan ko. Hindi ako mapakali. Gusto kong sabihin sa kanya na hindi ako girlfriend ni Scotty.

Hindi na ako nakatiis. Umupo ako sa kama ko at sinuot ang step-in ko. Kinuha ko ang jacket ko na nakasampay lang sa silya malapit sa kama. Hindi naman kasi pwedeng maglakad ako sa tabi ng dagat nang naka-sando lang ang pang-itaas, di ba? Baka mamatay ako sa ginaw at baka may mangyaring hindi maganda para sakin. Naglipa pa naman ang mga adik na lalaki dito sa tabi ng dagat. Iba na ang sigurado!

Paglingon ko mula sa pagsasarado ko ng pinto ay bumalandra sakin ang mukha ni Chance.

"Diyan ang kwarto mo?" Tanong ko.

Tumango siya. "Nagpalipat ako gawa ng ako lang yung nahiwalay sa inyo." Ngumuso pa siya. Shit! Bakit ganun? Ang gwapo! "Buti na lang bakante pa ito." Sabi niya.

"Ah."

"Di ka rin makatulog?" Tanong niya at nagsimula ng maglakad. Nakapamulsa siya. May problema siya. Ano kaya yun?

Lumingon siya na para bang naghihintay ng sagot. Nahimas-masan ako kaya nag-half run ako papunta sa kanya kaya ka-pace ko na siya ngayon.

"Hindi eh." Sabi ko.

"Well, the feeling is mutual." Nagkibit-balikat siya at nagsimula na namang maglakad nang nakapamulsa.

The feeling is mutual... Feeling is mutual... Mutual... Mutual...

Double meaning?

Sa sobrang pag-iisip ko, hindi ko namalayan na kasama ko na pala si Chance na naglalakad sa tabi ng dagat.

"Kumusta ka na, Fate?" Napatingin ako dahil sa tanong niya. Nakita ko siyang nakatingin sa langit at nakapamulsa pa rin. Suot niya ang itim na jacket habang gray na shorts. Simple lang ang suot niya pero gwapo pa rin at malakas ang dating

"A-ako? A-ayos lang ako." Sabi ko.

"Ah."

"Eh ikaw?"

"A-ako? A-ayos lang ako." Ginaya niya ako. Tumingin siya sakin ng nakangisi.

That. Damn. Sexy. Smirk!

Humalakhak kami pareho. Grabe! Kahit pala playboy na ito ay maloko pa rin. Namiss ko itong kulitan namin. Yung nakakaasar pero masayang moments. Ganun naman talaga kapag magbestfriends, di ba? At namiss ko yun. Lalo na yung bestfriend ko mismo. Si Chance.

Nang matapos kaming tumawa ay tinanong niya ako. "Ang tagal na noh?"

"Ang alin?" Nakakunot ang noo ko nung tumingin ulit ako sa kanya.

"Ang tagal na nating hindi nagkakasama at nagkakausap." Sabi niya.

Napatigil ako sa paglalakad. Napapansin niya pala iyon? Akala ko okay lang sa kanya yun... Na ako lang ang naaapektuhan sa hindi niya pagpansin sakin pero nagkamali ako. Well, hindi niya naman sinabing apektado siya eh kaya dapat siguro hindi muna ako mag-conclude.

Hindi niya naman napansin ang pagtigil ko kaya mabilis akong nakahabol sa kanya.

"Oo nga." Tugon ko.

"Kailangan ko lang talagang mag-isip, Ateng..." Tumigil siya sa paglalakad.

Namiss kong tawagin niya akong "Ateng". Nakakamiss talaga. Halos gusto kong umiyak dahil sa pagkamiss ko sa pagtawag niya sakin.

"Mag-isip tungkol saan?"

"Gusto kong kalimutan si Laura..." Suminghap siya at umiwas bg tingin. Nilabas niya ang dalawang kamay sa bulsa. Ito yung punto na nagiging okay na siya dahil nailabas na niya ang problema niya. "At akala ko makakalimutan ko siya kapag sumama ako sa ibang mga babae..." Sabi niya.

So ginagawa niya lang past time ang mga babae? Ganun ba yun?

"Pero nagkamali na naman ako. Siguro nga patay na ako ngayon kung sakali mang totoo ang kasabihang 'Maraming namamatay sa maling akala.'" Suminghap ulit siya. Mas malalim na singhap. "Pero sigurado ako na isang babae lang ang makakapagpalimot sakin kay Laura." Sabi niya.

Derecho niyang tiningnan ang mga mata kong kanina pa siya tinitingnan. Parang may mga pinapahiwatig ang nga mata niya sakin na hindi ko mabasa. Ako ang unang nag-iwas ng tingin. Hindi ko kaya ang mga titig niya, tagos sa kaluluwa ko.

"S-sino naman ang babaeng tinutukoy mo?" Tanong ko nang di siya tinitingnan.

"Hindi ito ang tamang oras para sabihin kung sino siya." Sabi niya. Tumingin ako sa kanya. Nakatingin pa rin siya sakin. "Balik na tayo sa hotel?" Tanong niya.

Tumango ako.

Nang makarating kami sa tapat ng mga kwarto namin ay nagsalita siya. "Good night, Fate." Sabi niya. Lumingon ako pero nabigo akong makita pa muli ang mukha niyang ubod ng gwapo.

Seriously, ilang beses ko na bang nasabi na gwapo si Chance? Well, I don't mind. Gwapo naman talaga siya eh!

Ngumiti ako. "Good night, Chance." Bulong ko at pumasok sa kwarto ko.

Hay! Mukhang makakatulog ako ng may ngiti sa mga labi.

Fate & ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon