Chapter 10

20.8K 217 4
                                    


Isang linggo kong hinintay ang update ni Job at sa wakas, nakipagkita na siya sa akin pero mukhang hindi siya masaya.

"Cass, mukhang na kay Josh talaga yung kwintas mo.", sabi ni Job. Tinignan ko ang mga kamay niya pero wala siyang hawak. "Pero ayaw niyang ibigay, gusto ka raw niyang makausap."

"Bakit ganoon siya?!"

"Importante talaga yung kwintas na 'yon sayo no?"

"Sobra, 'yun nalang kasi 'yung memory na naiwan sakin ng mama ko eh."

"Ganun ba? Sorry." Ngumiti ako at tinanong kung nasaan si Josh. "Hinahanap ko nga rin eh. Kumain ka na ba? Tara lunch muna tayo?", pumayag ako. Palakad na kami ni Job papuntang canteen nang sumalubong samin si Josh.

"Gusto mo bang makuha 'tong kwintas mo?" Pinakita niya sa akin ang hawak niyang locket. 'Yun nga 'yun.

"Na sayo talaga?" Lalapit na sana ako sakanya pero naglakad siya palikod.

"Sige, gawin mo yan at hindi ko na ibabalik 'to."

"Anong kailangan mo?", tanong ko.

"Sumunod ka." Naglakad si Josh papuntang Gang Building. Susunod sana si Job sa amin pero pinigilan siya ni Josh.

"Hindi ka invited Job."

"Come in." Inirapan ko si Josh.

"Oh ano na? Hindi mo pa ba ibibigay 'yan sakin?"

"Ibibigay ko, sa isang kundisyon."

"Ha? Bakit pa?!"

"Kailangan ko ng kapalit sa pagkakaligtas ko sayo."

"Anong kondisyon?"

"Stay with me. ", sabi niya.

"Stay with you? For what?"

"I need someone to go undercover with me. A VIP Party. Aware ka naman sa operations ng slayers diba?" Hindi ako nagsalita. "Don't worry, wala ka masyadong gagawin."

"Why me? For sure may mga babae naman kayong member na pwede mong yayain."

"We will pay you."

"I don't need money, and besides hindi pa pwedeng sumali sa mga gang ang freshies."

"Hindi ko sinabing sasali ka, tsaka hindi ka papasa kung sakali mang sumali ka. I just need someone who can run and defend herself."

"Do I have to defend myself?!"

"That party is full of politicians and businessman na may malilikot ang kamay."

"Why me?"

"Because you're less likely for them to notice. Dahil sa training, 'yung mga members ng Slayers, malaki ang muscles. It would be too obvious. And I already did a background check on you Miss Pineda."

"No."

"Then forget about your necklace." Siya ang nanghihingi ng tulong pero parang ang labas ay ako pa ang desperado.

"Ano bang gagawin kasi?!" Ngumiti siya at inabot sa akin ang folder. Binuksan ko 'yon at binasa. It's a contract, confidentiality contract.

"This is a rare happening since this is unexpected and urgent. I don't need you to memorize or learn a lot about what we do, you just have to accompany me and stay quiet."

"Really?" Tumango siya.

"Just one night, after one night you can have your locket back and we can forget meeting each other. Napaisip ako, I think okay lang naman.

"I swear if this is one of your stupid schemes I will report you."

"I'm a slayer, I'm a man of my word." Kinuha ko ang kontrata at binasa. Okay lang naman, it's basically saying na I just have to shut up and whatever I know after the operations should not be disclosed to anyone. Pinirmahan ko 'yon. "Good, see you tomorrow at 6 pm here, we have to plan it out."

Tumalikod siya at pumasok sa isang kwarto. Wala man lang goodbye. Lumabas ako ng tambayan nila. This is okay right? Hindi ko ito pwedeng sabihin kung kanino, kahit kay El na may gagawin akong ganito.

Kinabukasan, pumunta ako sa tambayan nila ng 6 pm para sa meeting. Sabi ko nalang kila Dad na may group meeting kami para sa isang group work.

Madilim na ang paligid pero may mga taong pumapasok sa building. Eto kaya ang mga members? Pumasok ako sa tambayan nila at nakitang may mga tao na sa conference room.

"Cassie, have a seat.", sabi ni Josh na nasa harapan. Siya ata ang magl-lead ng meeting. Tinignan ko ang kwarto at marami akong nakitang hindi pamilyar na mukha, mag nasa 15 silang lahat.

"Siya ba?", tanong nung isang member.

Nagtama ang mata namin ni Job, parang gulat na gulat siya. Nginitian ko siya at umupo.

"Nandito tayo ngayon para pag-usapan 'yung VIP Party ni Boss sa Saturday. May strict security sa hotel kaya hindi lahat makakapasok. Lahat ng security personnel nasa labas ng ballroom at may dalawa lang na malapit kay Boss T.", paliwanag ni Josh jabang pinapakita ang floor plan ng hotel. "Katulad ng napag-usapan natin noong huli, ako lang ang papasok as guest at kasama ko si Cassie para mukhang natural. 'Yung mga Hospitality majors, na-coordinate na sa hotel na magiging Waitstaff kayo. For others, nasa labas kayo."

Anong nangyayari?

"Is it okay to trust Cassie?", tanong nung isang member. Excuse me, I'm right here. "This is underground." OMG Totoo ba 'yung mga underground activities nila? "Mapapahamak tayo pag nagsalita 'yan." Again, I'm right here.

"I'm sorry to butt in, but I'm really not that type. I'm just here because of my necklace.", sabi ko. Nakakunot ang noo nong isang member sa akin. May problema ba siya sa akin.

"Are you doubting me?", tanong ni Josh. Aba.

"No.", sagot nila in unison.

"I chose her because she's less likely to be suspected. If ever the informant is telling the truth, hindi nila paghihinalaan na alam natin. If I bring someone with an innocent face, they'll think I really came there for the party and not to protect boss. We don't know their tactics and it might even be coming from the guests. "

"What if may mangyari sakanya, kargo pa natin."

"I will protect her.", sabi ni Josh ng seryoso. Feeling ko nag-blush ako doon.

"I will also protect her.", sabi ni Job. Feeling ko nasa isa akong korean drama na pinoprotektahan ng 1st male lead at 2nd male lead.

"Anong ngini-ngiti ngiti mo diyan?", tanong ni Josh sa akin. "This is serious." Tumango ako nakinig. Aside from being hired as stuntmen sa mga actions films or dramas and assisting important people, eto ang underground activity nila. Underground not because it's illegal but because it's dangerous.

Hinatid ako ni Job pauwi.

"Delikado pala ginagawa niyo.", sabi ko. Ngumiti siya.

"Don't get us wrong, these operations are rare. Ginagawa lang namin to kapag may special request mga alumni namin. Wala namang super dangerous but we have to keep ourselves ready. We are not the frontliners, kumbaga kami lang ang taga-gather ng data tapos 'yung official team ang aaksyon. Nasaktohan mo lang 'to.", sabi ni Job.

"Sino pala si Boss T?"

"Classified information, you have to be a member before you know those kinds of things."

"Oh I see. Sa tingin mo, hindi naman delikado 'tong gagawin natin?" Umiling siya.

"Nandito kami para protektahan ka." Medyo nakahinga ako ng malalim. Sige, kaya ko 'to. 

When she met Mr. Gangster(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon