Chapter 27:
April POV
San na ba si Pam? Hala, ang tagal naman ata niya sa restroom? Hindi kaya may nangyari ng masama sa kaniya? Kanina pa kasi tapos yung klase eh. May 15 minutes break bago dumating yung kasunod na teacher.
"Pssst May!" ako.Napatingin naman siya sakin at nilapit yung upuan niya sakin.
"Tignan mo wala pa rin si Pam! Sa tingin mo nag-skip na yun ng klase?" tanong ko.
"Oo nga pansin ko rin. Kanina pa siyang last class lumabas eh. Pero never pa siya nag-skip ah. Aywa nga din niyang nag-aabsent, kaya perfect attendance yun lagi." si May.
"Kaya nga. Tawagan ko nga muna." sabi ko.
Tinignan ko sa cp ko ang number ni Pam.
*vibrate*
Hala, nasa loob pala ng bag niya yung cp, lakas kasi ng pagkavibrate eh. Ramdam ko sa desk at umilaw pa yung bag niya. So that means hindi niya nga dala.
Nagkatinginan lang kami ni May. Lumapit naman si June samin.
"Anong problema? ~.~" si June
"Si Pam eh, wala pa rin." sabi ko.
"Hanapin kaya natin?" si May
Kaso dumating na yung susunod na teacher namin.
"Sige maya. Pagkatapos ng klase." sabi ko.
Tumango naman silang pareho ni June at binalik na rin as dati yung pwesto nung mga chair nilang dalawa.
*
Pam POV
Nandito ako ngayon sa loob ng ladies' shower room. Ewan ko. Basta hindi ko mapigilan mapangiti tuwing naalala ko yung sinabi niyang...."Mahal na mahal din kita"
Ibig sabihin, hindi nagbago ang feelings niya sakin. Akala ko talaga si Catherine na eh. Pero ano nga ba ang dahilan bakit magkasama sila kahapon at kagabi? Mabuti pa tanungin ko nalang siya pagkatapos.Basta ang importante ay yung ngayon. Hehe. Masaya ako eh :))))
Pero teka kami na ba? Sinabi ko sa kaniya mahal ko siya at sinabi rin niyang mahal din niya ako. So kami nga? di ba? di ba? Naman eh..Hindi pa naman kasi ako nagkaboyfriend, so wala akong alam sa ganyan. Isa rin yan sa itatanong ko sa kaniya. Kaso..nahihiya naman ako haha :))
BINABASA MO ANG
Mr. Heartthrob and Ms. Top-Notcher
Teen Fiction[ONGOING STORY] Si Skye Zin Velasco ay ang number one hearthrob sa kanilang school pero walang pakialam sa pag-aaral. Pero this time, kailangan niyang makapasa at makagraduate, dahil kung hindi, itatakwil na siya ng kaniyang ama at walang makukuha k...