Chapter Fourteen

Magsimula sa umpisa
                                    



"Matt. Ako yung tumawag sayo kanina. Nice meeting you." Sabi nito habang nakangiti. Inabot naman ni Noneen ang kamay niya. 



"Ah..eh hehe salamat po Kuya at hindi nyo iniwan tong gurang na to." Sabay tingin ng masama kay Lawrence na pilit umiinom sa isang boteng walang laman. Napailing naman sya. 



Mga lalaki kung malasing wagasan.



"Hmm, hindi ko naman kayang iwanan yan. Kaibigan nya ako, dating schoolmate. Ikaw ba ang bagong girlfriend niya?" Napalunok naman si Noneen sa tanong ni Matt. Patay anong sasabihin ko? Na hindi asawa na nya ako actually? Isip nito.



"Ah..h-hindi! A-ano lang...ah..."



"MU?"



"H-ha? H-hin--"



"Ano ka ba, hindi na uso MU. Wag mo nang indeny, haha finally nagkaroon na rin to ng matinong girlfriend. After many many years." Sabi ni Matt at tsaka tinapik ang likod ni Lawrence.



"Fhare..hik! I-isha fa.." Sabi ni Lawrence habang hawak hawak ang isang bote.



"Pare andito na girlfriend mo. Uuwi na daw kayo." Sabi ni Matt habang inagaw ang bote kay Lawrence. Para namang nasamid si Noneen sa pagkakasabi ni Matt. Girlfriend? O baka girl friend?



"Gir..fwend? Hik! Haha! Hik!" Sabi ni Lawrence. Pero umiling-iling lang si Matt.



"Tayo na pare, tama na yan. Uuwi ka na." Sabi ni Matt. Binuhat niya si Lawrence patayo tsaka sila lumabas ng bar. Pumara ng taxi si Noneen. Naunang pinasok dito si Lawrence na halos nakapikit na. Humarap muna si Noneen kay Matt bago ito pumasok ng taxi.



"Maraming salamat ha. Kung wala ka, siguro hindi ko alam kung anong gagawin ko sa gurang na to." Sabi ni Noneen habang nakangiti.



"Anytime." Ngumiti pabalik si Matt. Nagpaalam na si Noneen at pumasok sa loob ng taxi.

We Are Married?! (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon