Chapter XX

93.3K 1.2K 175
                                    

[20] The Chase

 

-Audrey-

Hindi pa ko nakakarecover sa binulong nya ng maramdaman kong hilahin nya ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko at nagpa-agos nalang ako sa hila nya tutal wala naman din akong makita sa dilim. Nawawala ang ingay ng mga tao hanggang sa nakita ko na ang liwanag galing sa labas at nakita ko ang likod nya sa harap ko.

Napatingin ako sa magkahawak naming kamay at feeling ko konti nalang sasabog na ako sa kilig dito. OMG!

Nagulat ako nung makarating kami sa exit ay hindi pa din nya binibitawan yung kamay ko at patuloy lang nya akong hinihila. Patungo yung way namin sa parking lot. So, totoo talaga yung ‘runaway’ na sinasabi nya? Holo! Di ba may after party pa sila para sa pagiging successful ng booth nila?

Hindi ako makaimik sa kilig at halos pinagtitinginan kami at buti nalang talaga ay malapit yung parking lot para hindi na din kami masyadong ma-expose. Pinasakay nya ako sa sasakyan nya at ganun din sya. Sinundan ko lang sya ng tingin at kating-kati na akong magtanong pero pakiramdam ko kapag nagtanong ako masisira ang mood nya.

Nagsimula syang mag-drive at sa tingin ko eto na yung chance ko na magtanong. May dahilan naman siguro kung bakit nya ko hinila di ba? Saka paano nya nalaman na ako yun kahit madilim? Paano nalang kung iba pala yung nahila nya? Oo na, ang dami ko talagang tanong.

“A-ah, Duke?” sabi ko at medyo pumiyok pa. Bakit nalang laging ganito? Kapag wala sya halos isigaw ko na sa buong mundo kung gaano ko sya kagusto pero kapag kaharap ko na sya tiklop na ko.

“Don’t talk. Just go with me.” malumanay na sabi nya at parang nanlambot ang puso ko dun. Why, Duke? Why are you making me feel this way?

Tinitigan ko sya habang nagda-drive sya. Iba talaga ang nabibigay nyang epekto sa akin. Yung mapang-akit nyang mata, matangos na ilong at kissable lips, sobrang perpekto. Assuming ba talaga ako o talagang iba ang pinaparamdam nya sa akin this past weeks? Ganito ba kaming mga babae, konting bagay lang binibigyan na ng kahulugan? Wala namang aasa kung walang paasa di ba? Sagutin nyo ko, please.

Maya-maya pinark nya yung sasakyan sa isang coffee shop. Tumingin-tingin ako sa paligid pero hindi ko pa din mahanap ang sagot kung bakit ako sinama dito ni Duke my loves.

“Let’s go.” sabi nya at dali-dali kong tinanggal yung seat belt ko at bumaba ng sasakyan. Sumunod lang ako sa kanya at nagulat ako ng umupo sya dun sa isang table na may nakaupo ding babae.

Kunot noo ko silang tiningnan. So, what’s this? Nakatunganga lang ako sa kanilang dalawa at nakatayo lang sa tabi ni Duke. Kinabahan ako, pakiramdam ko ay parang may mali. Napatingin ako sa babae, more on titig pala, I don’t know pero parang may iba sa kanya. Intuition.

Nagulat ako ng bigla akong hilahin ni Duke my loves paupo sa tabi nya saka sya bumulong.

“Sit here and don’t talk. I’ll explain everything later.” sabi nya at wala na akong nagawa kundi tumango-tango at nakita kong sobrang sama ng tingin sa akin nung babae. What’s wrong with her?

The Chase and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon