TAKE TWENTY ONE (21)

3.6K 71 14
                                    

TAKE TWENTY ONE (21)

(c) Shupershimmer

Pagkagising ko kinabukasan, medyo nag-stay pa ko sa higaan ko dahil sa pangyayari kagabi. Di ko talaga alam ang mararamdaman ko kung sakaling... hinalikan niya ako kagabi.

Bago bumigay ako nang di oras.

Hinawakan ko agad yung swan necklace ko na nakasabit sa leegan ko. Naalala ko na binigay sakin ni Marco 'to two yeas ago during our monthsary.

I've been wearing this for a long time dahil hindi ko kasi keri na pati 'to, di ko suotin. Ilang linggo ang lumipas bago ko naatim na hubarin ang egangement ring, ano.

Hindi ko lang alam kung nakikita ni Marco na suot ko yung kwintas dahil palaging nakatago under my shirt.

"Wendy."

Narinig kong kumatok si Kuya sa kwarto ko, "Oh?"

Tumayo pa ako para buksan ang pinto at nagulat naman ako dahil bumungad sakin si kuya na may bitbit na isang kahon ng Red Ribbon cake.

"Oh, ano yan? Breakfast ko ba yan?"

Sobrang lapad ng ngiti ko dahil natakan ako bigla sa cake na hawak ni Kuya. Ngumiwi pa siya bago may inabot na maliit na card sakin.

Wala namang ibang nakasulat doon kundi: "You're as yummy as this." -Marco.

Namula ako bigla.

Namula dahil sa sulat at namula sa pag-iisip na baka nabasa ni Kuya ang anumang kababalaghang laman ng card. Natameme na ako.

"Ano bang nakasulat?"

Nagtaka ako sa tanong niya. Ibig sabihin, hindi niya alam?! Holy, yes!

"Ah, wala." I replied, "Sakin na lang yon."

"Mukhang masarap 'to, Wendy, ah. Iba talaga 'yang manliligaw mo! Aba't cake pa ang naisipang pansuhol sakin!" nangiti si Kuya at pailing-iling pa. What? Suhol sa kanya?

Sa pagkakaalam ko, para sakin yan.

"Nandyan pa ba siya?" naiiritang tanong ko kay Kuya, "Ibalik mo sa kanya. Ayokong tumaba sa cake."

Isasara ko na sana yung pinto kaya lang hinarang ni kuya yung paa niya. Ugh.

"Wala na sya," binuksan ko uli yung pinto, "Gago ka ba? Ikaw na nga 'tong dinalhan ng cake, aarte pa. Napakaarte niyo talagang mga babae. Mga maarte."

Tinaasan ko ng kilay si kuya sa sinabi niya. "Kuya, hindi yon kaartehan. Pride yon."

Natawa lang siya sa sinagot ko.

"Ang Red Ribbon, nakakain; ang Pride, hinde, kasi panlaba yon." I rolled my eyes annoyingly, "Ayaw mo? Akin na lang."

"Isaksak mo sa baga mo."

Sinarhan ko siya ng pinto tapos narinig ko na lang ang yabag niya paalis. Kainis. Ano'ng tingin ni Marco sakin? Patabaing dyosa?

Saka, di naman kami pulubi para takamin sa cake. Kakoka.

Pagbaba ko ng kusina, nakita kong bukas na yung cake at nakapatong sa ibabaw ng mesa. Shit. Ube cake! Gusto kong maiyak bigla dahil binawasan ni kuya ang ube cake. Nakakasakit ng sikmura.

"Oh, naglalaway ka na." pang-aasar niya pero di ko na lang pinansin.

Pag-alis ni kuya para pumasok ng trabaho, saka ko kinain yung 2/3 ng cake. Okay, I swallowed my words. Inisip ko na lang na binili yun ni papa. Kunyari, hindi galing kay Marco.

Nung mga sumunod na araw, hindi na cake ang natanggap ko. Bulaklak na.

May balak yata si Marco na pagtayuon ako ng Dangwa sa tapat ng bahay namin dahil halos matakpan na ang mukha ko sa laki ng bouquet. Iba-iba rin ang itsura at kulay ng bulaklak kaya tuwang-tuwa yung nanay ko. Parang abnoy.

Whatever It TakesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon