HTLAB - Chapter 16

62.4K 1K 110
                                    

ANNE POV

Kanina pa nagsimula ang party. Napakalakas ng musika dito sa loob. Dumarami na rin ang mga tao. Kanina ko pa hinahanap si Rhea pero mukhang nagtago pa ata sa kwarto niya. Nakita ko na si Kuya Rex at nabati ko na rin ito. Itong regalo na lamang ni Rhea ang problema ko. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maibigay.

"Nasaan na ba ang babaeng 'yon?" inilibot kong muli ang aking paningin sa paligid. Ni anino ni Rhea hindi ko makita.

Malapit na mag-nine. Kailangan ko nang umalis dito sa party at magpunta sa Rioza kung saan naghihintay si Cyfer.

Napatingin ako sa cellphone ko. Wala pa namang text si Cy.

Ilang saglit pa ay dumating na rin ang ibang mga kuya ni Rhea. Gosh. Kumpleto na sila. Si Rhea na lamang ang nawawala.

Agad akong pumasok sa mansion. Baka nasa kwarto niya at nagmumukmok na naman. Hindi niya kasi hilig ang mga family occassions. Sinabi niya sa akin 'yan noon.

Agad akong nagtungo sa kwarto niya.

"Rhea. . ." kumatok ako pero walang sumasagot sa loob kaya pumasok ako. Nakita ko si Rhea nakadapa sa kama niya.

"Rhea?" Gosh! She's wearing a cocktail dress! Pero hindi ko makita ang mukha niya.

"Rhea, what happened?"

"Go away."

Natigilan ako. She sounds strange. Is she crying? Mabilis akong umupo sa gilid ng kama niya.

"Rhea-"

"I said go away!" inangat niya ang mukha niya sa unan. Nakita ko ang pagkasira ng make-up niya dahil sa pag-iyak niya. "Go away,Anne! I don't need you now!" she bursted out.

Nagulat ako. Hindi ako nakagalaw ng ilang segundo.

"I want to be alone,Anne. Iwan mo ako." humihikbi niyang sabi.

Umiwas ako ng tingin. Hindi ko siya kayang makita na ganyan. Ang Rhea na kilala ko ay hindi umiiyak ng sobra.

"May problema ba?" tanong ko sa kanya kahit hindi ko siya matignan sa mata.

"God,Anne! Hindi ka ba nakakaintindi?! Lumabas ka na!" tinulak niya ako sa balikat . Muntik na ako mahulog sa kama.

Iyon ang mas ikinagulat ko. Hindi ako kailanman tinaboy ng ganito ni Rhea. Never niya akong tinulak para lamang lumayo sa kanya.

Muli siyang sumubsob sa unan. Naririnig ko ang mahihinang hikbi mula sa kanya. Parang maiiyak na rin ako.

Hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganyan. Galit ba siya? Sa akin ba? At kung sa akin nga siya galit, ano namang dahilan niya?

How To Love A Bastard ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon