Previous Page of 3Next Page

From Zero to Bingo (on going)

spinner.gif

NO CLASSES


YES! Bakit? Ewan ko din eh. HAHAHA!

 

JOKE. 

 

Nirerenovate kasi yung mga classroom namin.

 

Stig noh? Kung kelan may pasok saka nagaayos.

 

Well, dala na din kasi ng kalumaan yung mga itsura ng rooms namin kaya naatat sila magayos. Actually pwede ngang tumulong yung mga students eh. Kaso ako tinatamad. As usual.

 

Isa na din siguro sa dahilan kaya nagrerenovate kasi magkakaroon DAW ng mga korean transferees. Kahiyahiya nga naman kasi kung makaluma itsura ng school namin.

 

Okay na okay naman samin na walang pasok! Onti palang naman new lessons namin tsaka sa pasukan ulit, maeexcite kami sa itsura ng rooms. Cool kaya!

 

Anyway, Umaga ngayon at kumakain ako ng breakfast. Magkikita kami mamaya ni Mio! ^o^ Bonding namin tong dalawa. Bestfriend ko kaya yun!

 

Mamayang mga 12 kami magkikita para saktong kakain na muna kami ng Lunch.

 

Teka, May gusto ba kayong ipakwento sakin?

 

Ano yun? Yung revenge na ginawa ko kagabi kina Jaddie?

 

HAHAHAHA! Edi success! Binato ko lang naman ulit sakanila yung mga pagpapahirap nila sakin. As in LAHAT. Pero nakaya din naman nila. Di nga sila nagreklamo eh. How bait!

 

Anway, May napansin akong kakaiba. 

 

Hindi nagtetext si Ikko.

 

I Should be happy right? Pero parang may something sakin na kinakabahan para sakanya.

 

NAKAMOVEON NA AKO KAYA WAG MADUMI ISIP

 

Bahala na nga. 

 

**

 

11:00 na. Maliligo na ako.

 

*shower shower sabon sabon brush brush shower shower*

 

Tapos punas punas at mabibihis na!

 

Andito ako sa harap ng Closet ko. Ano kaya masuot?

 

Kinuha ko nalang yung Dark Yellow skinny jeans ko tapos Violet printed sando. Sapatos? Keds na black. 

 

Nagdala din ako ng Mickey mouse na sweater. Baka kasi manuod kami ng Sine. Just in case lang naman kaya tinali ko yung sweater ko sa bewang ko.

 

Kung lalamigin din pala ako bakit pa ako nagsando? Kasi nasa labahan mga tshirts ko. Yung iba masikip na. Wawa naman ako noh? Hahahaha ^____^

 

Sinuot ko na yung relo ko sa left wrist ko at ang panali sa buhok sa right wrist. As usual.

 

Anong oras naba? Oh shoot! 11:45 na pala!

 

Tinignan ko cellphone ko

 

FROM: Mio

Where are you? Should i fetch you at your house?

 

TO: Mio

No. It's okay. I'm on my way

 

On the way nanaman talaga ako ah! Naglalakad na kasi ako habang katext siya. Ano akala niyo sakin, liar? Never! Hahaha ^o^

 

So eto, Naglalakad lang ako papunta sa may Gate ng Subdivision namin.

 

Safe naman dito eh. Tahimik tsaka super strikto ng mga guard pag magpapapasok.

 

Kaya minsan nakakairita kasi pag may group projects kami or group study at sa bahay pa namin, Hindi agad agad pinapapasok yung mga kaklase mo pag ihahatid sila.

 

Kaya minsan nababadtrip yung mga naghahatid sa mga kaklase ko dito. Lalo na yung mga magulang. Pssh.

 

Pero okay lang, Para din naman samin yun diba? ^__^

 

Andito na ako sa may Gate. Asan si mio? Wala naman siya ah. *tingin tingin*

 

"CHAREEEEEEEEEEEEEN!" 

 

"AHHHHHHHHHHHHHHHH! *Lingon sa likod* Ano ba Mio! Wag mo nga ako gulatin! Kainis to!" Sabi ko

 

Pano ba naman, Tumapat sa tenga ko sabay sumigaw ng super lakas! Sakit ng tenga ko TT_____TT Kainis na Mio to

 

"HAHAHAHAHA! Sorry *sabay lagay ng kamay sa ulo*" 

 

"Tara na nga! San ba tayo pupunta? Manunuod tayo ng sine diba?" Tanong ko

 

"Do you want to watch a movie?" Sabi niya

 

"Pwede din. Ano papanuodin natin?" Sabi ko

 

"Whatever you want *smiles*" Sabi niya. Teka nga, Panay english siya ngayon ah! NOSEBLEED AKECH!

 

"Basta ba libre mo? *evil smile*" MAKAKALIBRE PA ATA AKO! YES NAMAN!

 

"Sure.."

Previous Page of 3Next Page

Comments & Reviews (1)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended